^

PSN Showbiz

Iza handa na ring magbigay ng dugo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Iza handa na ring magbigay ng dugo
Iza Calzado

Bongga si Iza Calzado. Siguro very proud ang manager niyang si Noel Ferrer sa kanya dahil imagine after niyang makaligtas sa coronavirus talagang handang-handa na siyang mag donate ng dugo para sa plasma na maari palang maging kaligtasan ng tinamaan ng covid-19.

Actually si Iza pa raw ang tawag nang tawag sa PGH para makunan na siya pero meron yatang tamang schedule bago ka makunan ng dugo.

Si Iza talaga ang isang artista na very sincere sa kanyang pagtulong at pagmamahal sa tao. I will not forget kung paano niya binigyan ng lakas ng loob ang isang nakasama sa trabaho na nagkaroon ng problema. She is indeed a precious gem. Atta girl Iza Calzado, I owe you one.

Godspeed Iza.

TIPMMG, bubuwelta pagkatapos ng pandemic

Alam mo ba Salve kung bakit siguro nga mas maganda na hindi tayo nagla-live ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) kasi parang insensitive ngayon iyon meron kang nakikitang nagtatawanan o parang hindi apektado ng mga nagaganap sa paligid.

Iyon alam mo na taped at replay lang, ok lang dahil alam mo wala pa iyon problema ng covid-19 nang gawin ‘yun. Pero iyon makakita ka sa digital o TV ng mga tao na parang nagpipilit para pasayahin ang paligid, o iyon alam mo na dapat naka-quarantine pero hayun at nagpipilit mag-show, parang nakaka-turn-off di bah!

Mga news program lang ang namamayani ngayon, kahit sa radio, naka-Zoom app lahat sa kanya-kanyang lugar at bahay dahil nga hindi nila gustong ilagay sa alanganin ang mga technical people ng station kaya lahat ng pag-iingat ginagawa.

Saka now magkakaroon ka ba ng energy to perform? Magsalita o umarte.

Kaya dapat lang talaga hintayin natin na matapos ang lockdown, sumunod tayo sa quarantine rule, makisama tayo para malabanan ang kalaban. Basta bahala tayo kay corona virus, ilaglag natin siya ng husto sa live episode natin after the pandemic, durugin natin siya para mawalan na siya ng career at manahimik na siya forever. ‘Di ba Tina at Japs?

Walang blind items, talagang lagot ka corona, virus ka lang.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with