^

PSN Showbiz

Kris nakapag-medidate habang naka-quarantine!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris nakapag-medidate habang naka-quarantine!
Kris Aquino

I can just imagine ang dami ng books at magazines na nabasa ni Kris Aquino ngayong lockdown na ito. Imagine na sa Mindoro siya naka-quarantine kasama ng mga anak at sana naman sapat ang supply nila ng vitamins at maintenance medicine.

Mas mabuti nga na nandun sila dahil sure na panay fresh ang pagkain nila. Parang suwerte pa nga na nasa beach sila nang magkaroon ng lockdown dahil water lover sina Bimby at Joshua.

Siguro ang ganda ng tanning ng kutis ni Kris dahil sa tubig at hangin-dagat.

Sure ako na nag-enjoy si Kris at mga anak sa sobrang bakasyon nila sa beach. At least, safe sila and healthy sa kanilang lockdown.

Meditation, reading at thinking, iyan tiyak ang ginawa ni Kris during the lockdown. Sosyal pa rin kahit naka-quarantine.

Dingdong nangingibabaw ang social consciousness

Kahit ano pa ang sabihin isa talaga sa merong social consciousness among our stars ay si Dingdong Dantes. Talagang kumilos siya agad para makatulong. Nagbigay sng donasyon sa district nila Cong. Alfred Vargas.

Nagpadala ng food packs sa Frontliners at tumulong sa problema ng sasakyan ng mga health workers.

Bongga ang energy niya ha. Talagang kita mo ang concern niya sa tao, ‘yung puso sa pagtulong.

Relief goods malaking tulong

Iba-iba pala ang laman ng bawat relief bags na ibinibigay ng bawat city.

Depende rin siguro sa budget, at yung iba na bigay ng donors.

Nakita ko kasi ‘yung ipinamimigay ni Navotas Mayor Toby Tiangco, meron pang mga gamut at vitamins na kasama. ‘Yung kay Pandi Mayor Enrico Roque, meron pang kasamang cash. ‘Yun namang kay Makati Mayor Abby Binay, pati school kids kasama sa nakatanggap ng relief bags. ‘Yung kay QC Mayor Joy Belmonte, sobrang dami ang delata at noodles, at hindi tinipid ang bigas.

Dito mo makikita ang effort ng mga mayor na maibigay ang nararapat para sa kanilang nasasakupan. At maganda rin na kahit relief goods ay hindi naman mukhang tipid na tipid.

Maganda rin siguro yung suggestion na next time para hindi na mapagod sa repacking, pera na lang ang ibigay, at maganda rin yung naisip na magbigay ng fresh vegetables at prutas kasama ng bigas.

Malapit nang matapos ang lockdown, dito na ang summary ng naging resulta sa bawat bayan. Dito na rin makikita kung naging effective ba ang pagtulong ng barangay.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with