^

PSN Showbiz

Pamilyang may 30 miyembro binisita ni Korina kung may social distancing

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pamilyang may 30 miyembro binisita ni Korina kung may social distancing
Korina

Ngayong Semana Santa, pinapayuhan pa rin ang lahat na manatili sa bahay upang maiwasang mahawa sa kumakalat na COVID-19. Magandang pagkakataon ito para magmuni-muni at manood ng mga palabas na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Ang ABS-CBN News ay may mga handog na dokumentaryo at kwento mula sa iba-ibang programa nila.

Kasabay nga ng pangungulila ng libu-libong namatayan ng mahal sa buhay dahil sa coronavirus, pakinggan naman natin kung paano napatawad ng aktres na si Cherry Pie Picache ang pumaslang sa kanyang ina sa dokumentaryong Radical Love ng ABS-CBN DocuCentral.

Mga kwentong kukurot sa puso naman ng mga taong naapektuhan ng isinasagawang malawakang lockdown ang hatid ni Jeff Canoy sa episode ng  #NoFilter na pinamagatang Quarantine.

Ipapakita naman ng isang debotong binabae kung paano niya isinasabuhay si Hesu Kristo tuwing Semana Santa sa Pasan, na nanalo sa Class Project Intercollegiate Mini Documentary Competition ng ABS-CBN at Knowledge Channel.

Mapapaisip ka naman kung kumusta na nga­yong panahon ng “physical distancing” at “social distancing” kung paano nagmumuhay ang 30 miyembro ng isang pamilya sa Angkan na Siksikan ng Rated K kasama si Korina Sanchez-Roxas sa kanilang maliit na tahanan.

Mapapanood ang lahat ng ito at marami pang ibang magagandang palabas ng libre sa ABS-CBN News YouTube channel o kaya naman sa iWant app o iWant.ph.

vuukle comment

KORINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with