^

PSN Showbiz

Iza may bagong birthday na! Goma bantay-sarado ang COVID sa Ormoc

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza may bagong birthday na! Goma bantay-sarado ang COVID sa Ormoc
Iza

Lumabas na si Iza Calzado sa ASAP Natin ‘To nung nakaraang Linggo na kung saan nagpasalamat siya sa lahat na pagmamahal, sa mga nagdasal na malagpasan niya ang nakakamatay na sakit na COVID-19.

Muli niyang pinasalamatan ang frontliners, lalo na ang mga doktor at nurses ng Asian Hospital na nag-alaga sa kanya habang naka-confine sa naturang hospital.

Nung nakaraang Linggo rin pagkatapos lumabas ang video niya na nagpasalamat sa ASAP, nakapanyam siya ng manager niyang si Noel Ferrer sa programa niya sa Radyo Katipunan at doon inilahad ng Kapamilya actress ang pinagdaanan niya nang nakaramdam na siya ng mga sintomas ng COVID 19.

Iba ang feeling niya nang lumabas na siya sa social media lalo na’t ang daming nagpu-post ng mga komento nilang nagpapasalamat sa Diyos at masaya sila na nalagpasan ni Iza ang COVID-19. Kaya emotional na siya at hindi niya napigilang maiyak nang kantahan siya ni Martin Nievera doon sa programa ni Noel ng I’ll Be There For You.

May binago lang si Martin sa lyrics na ang Diyos ang tinutukoy niya sa linyang “The rainbow will land, In the palm of your hand, Don’t ever let it go. When the stars won’t shine anymore, He’ll be there.”

Ipinost din ni Iza sa kanyang Instagram account kahapon ang panibagong buhay na hinaharap niya pagkatapos niyang mapagdaanan ang COVID-19. Nag-sorry siya sa isang komento niya nung may sakit pa siya na maaring ikina-offend ng iba.

Hindi ko na nga maalala kung ano iyun. Pero muling nagpasalamat si Iza sa lahat na nagdasal, lahat na mga nag-post ng mensahe para sa kanya, at binanggit na niya ang mga pangalan ng mga doktor at nurses na nag-asikaso sa kanya. Higit sa lahat, ang kanyang asawang si Ben Wintle na hindi siya iniwan sa pinagdaanan niya.

Aniya; “My number 1 nurse, my husband. Ben. I could never have done this without you, my Love. We did it, by God’s Grace, we made it!”

Kuwento nga sa akin ng manager niyang si Noel, doon daw naging prayerful silang mag-asawa na kung saan paulit-ulit daw na sumasama si Ben sa pagru-rosaryo at iba pang idinadasal nila. Isa raw ito sa nabago sa kanilang mag-asawa   lalo silang nagiging prayerful.

Natawa na lang si Noel nang binanggit daw ni Iza sa kanya na isang buwan na rin daw hindi nagki-kiss ang mag-asawa at wala rin daw munang ang mga intimate moments dahil kailangang tapusin pa rin nila ang kanilang home quarantine. Pati nga ang mga kasamahan nila sa bahay ay umiiwas din muna sa kanila dahil naka-quarantine din sila.

Sobrang na-touch daw si Iza sa isang kasambahay nila na pinapauwi na lang daw ng magulang niya, pero tumanggi ito at kailangan na rin daw niyang ma-quarantine kasama sina Iza.

Kasabay din pala ni Iza sa interbyung iyun ni Noel gamit ang Zoom na app, si Ormoc City Mayor Richard Gomez na masayang ibinahaging zero pa ang kaso ng COVID-19 sa Ormoc, pero ngayon pa lang ay nag-iingat na sila at meron na ring Enhanced Community Quarantine. Nagsimula na rin si Mayor Goma sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga constituents niya, at tuluy-tuloy pa raw siya sa pag-iikot sa mga nasasakupan niya sa Ormoc, bahagi na rin ng pagdiriwang ng kanyang birthday ngayong araw.

Happy birthday Mayor Goma, at happy birthday na rin sa panibagong buhay ni Iza! (Happy birthday Mayor Goma and Iza. - Salve A.)

vuukle comment

IZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with