^

PSN Showbiz

Sen. Bong umangal sa ‘paninira’ ni Mayor Isko sa mga senador!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong umangal sa �paninira� ni Mayor Isko sa mga senador!
Sen. Bong Revilla

Si Sen. Bong Revilla ang isa sa mga senador na unang pumiyok nang manawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa mga Senador na kumilos naman daw dahil hindi raw sila nakikita ngayon sa gitna nang hinaharap nating krisis sa pagkalat ng COVID-19.

Ang ibang senador ay ayaw na lang nilang patulan dahil hindi naman daw kailangang i-report sa kanya, i-post sa social media, o i-press release ang ginagawa nila ngayon para makatulong sa lahat na apektado sa matagal na Enhanced Community Quarantine.

Sa Facebook Live ni Sen. Bong kasama si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, nakiusap ang senador na sana huwag naman daw mag-upa­kan o magtirahan dahil lahat naman daw ay kumikilos.

“Sana naman huwag ganun,” pakli ni Sen. Bong.

“Magkaibigan tayo Yorme. Para tayong mga anak ni Kuya Germs.

“Alam mo naman lahat tayo nagtatrabaho, hindi tayo nagpapabaya,” dagdag niyang pahayag na ipinaparating kay Yorme Isko. “Alam mo naman may sinasakupan din kami, sa Bacoor, sa Cavite.

“Sinisikap din na mapadalhan din ng tulong ang iba pang bayan. Alam nyo naman, kahit naka-quarantine tayo, nagta-trabaho tayo.

“Yung banat sa amin ni Yorme, huwag naman, huwag ganun. Tulungan tayo. Hindi ito panahon magbatikos.

“Ikaw, you’re a part of executive branch. Kami sa legislative branch.

“Kayo sa ehekutibo, kayo ang mag-implement sa naipasa namin katulad ng Bayanihan Act,” paalala pa ng mahabang pahayag ng senador.

“Nasaktan kami lahat, dahil unfair iyun para sa amin. Pinasok namin ito na alam namin delikado. Pero ganunpaman, tuloy pa rin ang trabaho namin. Sa oras na ito ay matugunan natin ang pangangailangan ng taumbayan. Hindi natin kailangan mag-upakan. Hindi natin kailangan magsiraan.  Kailangan natin tugunan yung gutom ng mga tao.

Pero iyung upakan kami para magpasikat, huwag naman po sana. Sana magsama-sama, magtulung-tulong, huwag magsiraan, huwag mag-upakan.

“Hindi naman po tayo amo ng bayan. Alipin tayo ng bayan,” saad pa ng senador.

Nakikita naman sa mga social media account ni Sen. Bong ang update ng mga relief goods, food assistance at pati mga PPEs na ipinapadala sa mga frontliners.

Elizabeth nakiusap na tantanan na ng mga artista ang siraan sa social media

Pagkatapos magbigay ng public address si Pres. Rodrigo Duterte na kung saan ay inupakan niya nang bonggang-bongga ang Human Rights Lawyer Chel Diokno, ang dami na namang mga kilalang celebrities ang nag-post ng pagkadismaya sa Pa­ngulong Duterte.

Merong pang pa-hashtag na #OustDuterte2020.

Pero umalma rin ang ibang celebrities na nagtanggol sa ating pangulo, kaya kanya-kanyang opinyon na tila nakalimutang ang totoong kalaban natin ay ang COVID-19.

Kaya ang isa ring kilalang maka-Duterte na si Elizabeth Oropesa ay nakiusap na tigilan na muna ang batuhan ng bintang at kung anu-anong opinyon. “Wala na tayong ginagawa sa social media kundi magbangayan nang magbangayan, magturuan nang turuan.

“Mano bang magkaisa muna tayo ngayon lang po. Sana dun sa mga marunong magbaba ng loob, dun sa mga matigas at maliit ang puso, lambutan po muna ninyo ngayon.

“Mahal ng langit ang Pilipinas, kaya lang wala na tayong ginagawa kundi magbangayan nang magba­ngayan,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Elizabeth Oropesa.

 

 

vuukle comment

BONG REVILLA

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with