^

PSN Showbiz

Awa 'di banta: Nadine Lustre, sari-saring celebs uminit ang ulo sa COVID-19 response

James Relativo - Philstar.com
Awa 'di banta: Nadine Lustre, sari-saring celebs uminit ang ulo sa COVID-19 response
"Covid exposed the government for what it really is. The people need help, compassion (minus Koko) and transparency, not threats and lies," sabi ni Nadine Lustre, Huwebes.
Mula sa Instagram nina Nadine Lustre (kaliwa), Kim Chiu (gitna) at Janella Salvador (kanan)

MANILA, Philippines — Hindi lang mga aktibista't oposisyon ang dismayado ngayon sa pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) at epekto ng enhanced community quarantine — maging mga artista, tumatapang na ang tindig.

Sunud-sunod ibinuhos ng showbiz personalities ang kani-kanilang galit simula kahapon, matapos arestuhin at kasuhan ang 20 gutom na residente ng Sitio San Roque sa Quezon City na nagtipon sa EDSA para manawagan ng relief.

Kinagabihan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipababaril niya hanggang mamatay ang mga "manggugulong" kritiko ng distribution efforts ng gobyerno, primarya ang Kaliwa at mga nagra-riot.

"Covid exposed the government for what it really is. The people need help, compassion (minus Koko) and transparency, not threats and lies," sabi ni Nadine Lustre, Huwebes.

Tila pinasaringan din ng pop icon ang mabagal na pagdating ng tulong sa mga apektado ng krisis, lalo na't maraming walang kita dahil hindi makapagtrabaho't suspendido ang pampublikong transportasyon simula ng Luzon-wide lockdown.

Dagdag pa niya, kahit kahapon lang ang April Fools' ay tila ilang linggo nang naglolokohan ang mga tao, na pasok sa time frame ng quarantine.

"'Yung P275Billion hanapin niyo, 'wag ako. Kaloka,"  sabi ni Lustre, na tumutukoy sa pondong inilaan para sa 18 milyong mahihirap na pamilya at sari-saring health-related initiatives.

Ganoon na lang din ang galit ng Kapamilya actress na si Kim Chiu nang makitang pagdadamputin ang mga humihingi ng food aid sa kalagitnaan ng lockdown.

"Seeing this, sila ang padre de pamilya ng bahay nila. Sila ang incharge ng mag provide ng pagkain sa bahay nila. Paano na ang asawa at anak nila kung huhulihin pa sila," wika pa ni Kim kahapon.

Una nang sinabi ng Quezon City local government na wala silang planong magkaso sa 20, ngunit pursigido ang Philippine National Police na mag-file ng sari-saring charges lalo na't paglabag daw sa quarantine protocols ang ginawa ng mga residente, bagay na tinuring na "rally" ng kapulisan.

Una nang sinabi ni Duterte na ipagbabawal mula ang mga protesta habang may lockdown pati na ang iba't ibang pagtitipon ng maraming tao upang maiwasan ang hawaan.

Pero daing ng mga residente, hindi man sila mamatay sa virus ay baka mamatay sila sa gutom.

"I dont have any idea on how this govt run by its rules but during this kind of pandemic, our country is at stake, the people," saad pa ni Kim.

'Nakahihiya ang gobyerno'

Dahil sa patung-patong na hinakaharap ngayon ng Pilipinas, iminungkahi naman ng aktres na si Janella Salvador na panahon na upang maging mas mapili ang publiko sa mga hinahalal nilang opisyal.

"This pandemic showed us how unbelievably embarrassing our government is," sabi niya.

"Please. Vote wisely next time."

Ilang linggo na ang nakalilipas nang birahin ng iba't ibang grupo ang estilo ng pamahalaan sa paghawak ng sitwasyon, na tila mas "militar" ang approach kaysa medikal.

Kinastigo rin nina Kim at iba pang mga artista ang tila'y panggigipit diumano kay Pasig City Mayor Vico Sotto, na pinaiimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation dahil sa pagpayag niyang mamasada ang ilang tricycle upang makapaghatid-sundo ng health workers.

"Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang ang kalaban mo," sabi niya.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

KIM CHIU

NADINE LUSTRE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with