^

PSN Showbiz

Iza positibo sa COVID-19!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza positibo sa COVID-19!
Iza

Mga nakasalamuha ng aktres tini-trace na

Kinumpirma ni Iza Calzado sa kanyang Instagram account kahapon ng hapon na positibo nga siya sa COVID-19 test.

Narito ang buong statement ng mag-asawang Ben at Iza Wintle na ipinost sa kanilang social media account;

“Dear  Family and Friends.

“Iza Calzado received her results yesterday that she tested positive for CoVid.

“She is recovering well as she was aggressively treated for pneumonia and the virus. She can actually breath now without any oxygen assistance.

“She will be tested again to see if she is already negative. Her husband  Ben and others who interacted with her have not shown any symptoms.

“She doesn’t know where she contracted the virus from, but it’s best for all of us to take seriously the advice of doctors and health authorities on proper hygiene, physical distancing, quarantine and social responsibility.

“Thank you to the frontliners who continue to risk their lives to attend to our kababayans like Iza.

“Let us continue to pray for the healing of Iza and our brothers and sisters who are most affected by this pandemic.

“God bless us all!”

Ayon sa mga napagtanungan namin, tini-trace na ngayon ng ABS-CBN 2 ang mga activities ni Iza nitong nakaraang linggo.

Kailangan nilang maabisuhan ang mga taong nakatrabaho at nakasalamuha niya kaya medyo nakakataranta talaga.

May ilang kuwentong kumakalat kung saan siya posibleng nahawa.

Merong isang kuwento kaming narinig na nakatrabaho niya sa isang taping na galing daw ng ibang bansa, pero ang dagdag pang kuwentong nakarating sa amin, posibleng nakuha raw ng taong iyun sa partner niyang galing ibang bansa.

Hindi naman puwedeng banggitin ang pangalang dahil pawang haka-haka pa lang yan.

Sensitive ang usaping ito, kaya mas mabuting ang taga-ABS-CBN 2 na ang kumilos para ma-trace kung saan posibleng nakuha ni Iza, at masabihan na rin ang mga taong nakaharap niya bago siya isinugod sa  hospital nung nakaraang Sabado.

Hindi pa namin nakausap namin ang asawa ni Iza na si Ben Wintle, pero sabi naman ng Kapamilya actress, hindi naman daw niya nakitaan ng symptoms ang asawa niya na nakabantay sa kanya na may social distancing siyempre.

Ewan ko lang kung totoo ngang hindi raw muna ina-allow si Ben na pumasok sa condominium na tinitirhan nila.

Pati nga raw ang mga kasama nila sa kanilang condo unit ay hindi rin pinapayagang lumabas. Ang mga staff na lang daw ang bumibili at kumukuha ng mga pangangailangan nila.

Napag-alaman naming bumubuti na ang kalagayan ni Iza. May isa pa siyang test na hinihintay ang resulta, at kapag maganda ito, puwede na raw siyang i-discharge sa hospital.

Sen. Bong ligtas na sa virus, staff nagpositibo

Kamakalawa ng gabi ko naman nakuha ang balitang negative na si

Sen. Bong Revilla sa COVID-19 test.

Pero ang malungkot lang, may isang staff siyang nagpositibo at nasa hospital na raw ito ngayon sa Imus.

Natitiyak naman ni Sen. Bong na hindi siya nahawa nung staff niyang iyun dahil nung March 7 pa raw niya ito huling nakasama.

Nung March 16 daw siya huling pumasok sa tanggapan nila sa Senate, pero wala na roon si Sen. Bong dahil naka-self quarantine na siya.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with