^

PSN Showbiz

Mga doktor, frontliners kinalimutan muna ang pamilya

Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Mga doktor, frontliners kinalimutan muna ang pamilya

Marami tayong dapat ipagpatayo ng bantayog kapag ang COVID-19 ay humupa na. Sila ang mga kababayan nating frontliners.

Sila ang harap-harapang nakasangkalan sa mikrobyo, sila ang pinakamadaling mahawahan ng sakit dahil literal silang malapit sa indulto, sila ang mga kababayan nating walang pagdadalawang-isip sa pagtupad sa sinumpaan nilang tungkulin sa bayan.

May mga kaibigan kaming doktor mula sa Marikina Valley Medical Center, meron din sa Diliman Doctors Hospital, ang iba naman ay sa St. Luke’s Medical Center nagseserbisyo.

Mula nang pumutok ang mapamuksang corona virus ay halos wala na silang pahinga, isinakripisyo na muna nila ang kanilang mga pamilya, dahil ang kanilang serbisyo ang kailangang-kailangan ng ating mga kababayan ngayon.

Matindi ang kanilang exposure sa mikrobyo, alam man nila ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon ay walang ligtas sa COVID-19, kaya tripleng pag-iingat din ang kanilang ginagawa.

Si Dr. Dennis Sta. Ana, ang director ng Diliman Doctors Hospital ay naka-self quarantine hanggang March 28, maayos naman ang kanyang sitwasyon pero kailangan niyang sumunod sa protocol ng DOH.

Ang CEO naman ng Diliman Doctors Hospital na si Dr. Lani Ancheta ay naging emosyonal nang makausap namin, wala na halos lugar ang kanilang ospital sa dami ng kanilang mga pasyente, sa kanila dinadala ngayon ang mga pasyente na nangangailangang sumailalim sa angiogram dahil sarado ang Cathlab ng Heart Center.

Payaso man ay lumuluha rin, kaya mga doktor pa kayang tulad nila ang hindi maaalarma at makikisimpatya sa mga kababayan nating maysakit sa mga panahong ito, dalubhasa man sila sa Medisina ay tao lang din silang apektado ng mga nakikita nilang siwasyon ngayon sa ating bayan.

Halos wala na ring pahinga sina Dr. Enrico Sta. Ana, si Dr. Mayette Olaivar na walong ospital ang iniikutan sa araw-araw, bukod pa sa propesor siya sa UE College of Medicine.

Kilalang-kilala namin ang mga doktor na ito, dekada nobenta pa ay sila na ang nag-aalaga sa aming pamilya, alam namin kung gaano sila katapat sa sinumpaan nilang tungkulin.

Kung meron lang ka­ming factory ng bato, bakal at semyento ay sila ang mga unang-una naming gustong ipagpatayo ng monumento kasama ang iba pang mga doktor sa buong bansa na itinataya ang kanilang buhay ngayon sa pagsugpo ng COVID-19.

Sabi ni Dr. Lani Ancheta, “Ihiniwalay ko muna ang mother ko, may edad na siya, hindi ko gustong makasama ang mommy ko kapag umuuwi ako mula sa ospital.”

Totoo. Mga doktor man ay may dinadala ring mga personal na problema. Ang sarili nilang kaligtasan, ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya, pero dahil sa propesyong sinumpaan nila ay kaya nilang magsakripisyo sa lahat ng paraang makakaya nila.

Mabuhay ang mga doktor at iba pang mga kababayan na­ting nagtatrabaho sa ospital na itinataya ang kanilang buhay para makapagpligtas ng kanilang kapwa.

‘Laban lang’

Anim na araw na naming hindi nakikita ang langit ngayon. Hinahanap-hanap din namin ang busina ng mga sasakyan.

At totoo, anumang nakasanayan na ay hinahanap-hanap natin, pati ang matinding traffic sa EDSA ay hinahanap din ng aming sistema.

Malinis na malinis na pati ang kasuluksulukang parte ng aming bahay, sa mga panahong ito ay ‘yun lang naman ang mapagtutuunan natin ng atensiyon, nakaiinip sa loob lang ng bahay pero kailangan nating sumunod sa enhanced community quarantine.

Laban lang! Kapit lang nang mahigpit, huwag bibitiw, dahil mas malawak ang kapangyarihan ng Diyos sa lumalaganap na sakit ngayon.

vuukle comment

FRONTLINERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with