^

PSN Showbiz

COVID pinatitibay ang pamilya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
COVID pinatitibay ang pamilya!
Lolit, Mr. Fu at Lolit

Hanggang sa pagte-text na lang kami ngayon nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu. Nagpapaalala kami sa isa’t isa tungkol sa hindi na muna paglabas ng bahay para hindi kami mamiligro sa virus na laganap na sa buong mundo.

Mga reporters kami, ilang dekada na kaming halos sa kalye na nakatira dahil sa tawag ng aming propesyon, mas mahaba pa nga kung tutuusin ang panahong ipinamamalagi namin sa labas kesa sa sarili naming mga tahanan.

Ngayon lang  namin naranasan ang ganito na nasa bahay lang kami, bawal lumabas, bilang pagtugon sa pinariiral na enhanced community quarantine.

Nakaka-miss ang Take It Per Minute, Me Ganu’n. Isang taon na kasing bahagi ng aming sistema ang pagsusulat nang maaga para makarating kami nang maaga rin sa gallery para magpaayos na bilang paghahanda sa pangtanghaling digital talk show.

May kaliitan lang ang venue ng show, pero sanay na kaming lahat na magdikit-dikit, para magkasya kami sa gallery.

Anumang nakasanayan na ay hinahanap natin. Ang malalakas naming halakhakan sa programa, ang batu-bato sa langit ang tamaan ay siguradong mabubukulan sa aming mga blind items, ang sama-sama naming pagla-lunch para lang kaming nagpi-picnic.

Ramdam namin ang lungkot sa aming mga kasamahan sa Mga Obra Ni Nanay. Lunes pa lang nang hapon ay pinipili na ni Japs Gersin kung anong painting ang magiging background namin sa Take It Per Minute, Me Ganu’n.

Ang magpinsang PJ at Richie Villarta ay ganu’n din, palagi silang excited tuwing Martes nang tanghali, lalo na kapag may live guest ang digital show na hindi pinalalampas ng dalawa sa pakikipag-selfie.

Ang PA naman naming si Tina Roa ay sanay na sa pag-aasikaso sa aming lahat, tanong ito nang tanong, hanggang April 14 daw ba ay walang TIPMMG?

Napakabagal ng takbo ng oras, nakaiinip, bukod kasi sa panonood ng telebisyon at paglilinis ng mga suluk-sulok ng ating bahay na ngayon lang natin natututukang busisiin ay wala ka nang ibang magagawa.

Isa lang ang aming konklusyon. Kasama namin sa pagiging house arrest ang aming mga anak at apo. Naisip lang namin, ang ganitong kaganapan lang pala ang makapagpapatibay sa pundasyon ng pamilya, dahil sama-sama tayong sumusunod sa disiplina para hindi tayo magkaroon ng corona virus.

Loyal viewers ng TIPMMG sa abroad nawalan ng stress reliever

At kung kaming mga hosts ng digital show ay ganito na kasabik na magkasama-sama uli tuwing Martes nang tanghali ay kumustahin naman natin ang mga loyalista ng aming programa.

Mula sa Sydney, Australia ay nag-text ang kaibigan naming si Lina Valdez, “Mas ngayon ko kayo kailangang makasama because my husband just passed away.

“Kasama ko siyang nakatutok sa inyo dati, pero he had heart attack, napakalungkot ko dito, kayo pa naman ang tagapagpasaya ko, kayo ang stress reliever ko.

“Ang tagal-tagal pa ng April 14, I hope everything will be okay na d’yan, para bumalik na sa normal ang buhay natin,” sinserong komento ni Lina.

Sobrang lungkot naman ni Tita Rexy Tiangco, ang kaibigan naming alahera na nakasanayan na ang pagpunta sa set ng TIPMMG tuwing Martes nang tanghali, sabik na sabik na uli itong humalakhak at magmiron sa programa.

Si Lesly Grace Advincula ng Hainan, China ang ramdam naming sobrang lungkot ngayon dahil hindi nila mapanood ni Jojo ang digital show.

Sabi nito, “Imagine, two months na kaming nasa hotel lang, wala kaming tugtog, sarado ang lahat ng establishments dito. Kayo na lang ang happiness namin, ang bridge namin sa buhay d’yan sa Pinas, nawala pa!

“Napakabagal ng oras, para kaming mga bilanggo dito, lockdown dahil sa corona virus. Sana, makabalik na kayo agad, huwag na lang muna kayong magpapasok ng mga bisita n’yo sa venue.

“Puwede n’yo naman i-observe ang social distancing nina Manay Lolit at Mr. Fu. Kayo na lang ni Salve Asis ang nasa loob, saka ang cameraman n’yo, matuloy lang ang show!” pakiusap ni Lesly Grace Anvincula na musikerong nagtatrabaho sa Hainan, China.

Hindi po namin maikakarga ang lahat ng inyong mga komento-pakiusap, pero sa inyong lahat na iti­nuring na ring kabahagi ng inyong buhay ang Take It Per Minute, Me Ganu’n, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat at dobleng ingat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with