^

PSN Showbiz

Ivana, gustong bilhan ng bahay ang kapatid

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, gustong bilhan ng bahay ang kapatid
Ivana

Kahit may sariling bahay na ay nagpaplano pa ring makapagpatayo ng maraming bahay pa si Ivana Alawi. Nangangarap ang sexy actress na mabigyan ng bahay ang mga kapatid mula sa kikitain sa pagiging isang artista. “Gusto ko maraming houses na, kapag si Mona (nakababatang kapatid ng aktres) nag-asawa, may nakahintay sa kanyang bahay. Gusto ko ‘yung ganoon,” pagtatapat ni Ivana.

Nagtatrabaho noon ang ina ng aktres sa Bahrain bilang overseas Filipino worker kung saan nakilala ang ama na isa namang Moroccan.

Sa Pilipinas ipinanganak pero sa Bahrain lumaki si Ivana at ayon sa dalaga ay talagang malaki ang kaibahan sa kultura ng dalawang bansa. “Very kept, bawal makipag-usap sa lalaki, bawal naka-shorts. Bawal naka-sleeveless. Sobrang na-shock ako sa kaibahan. Kasi doon sa amin walang naka-shorts. Pagdating ko dito lahat naka-shorts, naka-sleeveless,” natatawang kwento ng dalaga.

Samantala, sariwa pa rin sa alaala ni Ivana ang pagpanaw ng ama noong December, 2018. Nasa trabaho raw noon ang aktres nang tawagan siya ng amang nasa ospital. Agad na sumugod si Ivana sa ospital at nakapag-usap pa sila. Naihabilin daw ng ama noong nag-aagaw-buhay ang lahat ng mga ari-ariang maiiwan nito sa aktres. “Binabanggit na niya kung ano ‘yung mga properties tapos hindi ko alam na para sa amin. Ever since bago siya nawala, ako ‘yung gusto ko nagtatrabaho para sa kanilang lahat. Lahat ng kita ko sa kanila, para sa pamilya,” paglalahad ng aktres.

Nova, Happy sa married life ni Sarah

Masayang-masaya si Nova Villa para sa pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20. Nagkasama sina Nova at Sarah sa pelikulang Miss Granny na ipinalabas sa mga sinehan noong 2018. “Happy ako for her. I mean ito na ‘yon, matagal na siyang dalaga. It’s about time na ma-release ka na at ma-feel mo na talaga kung ano ang pag-ibig, magmahal, ‘yung gano’n. Kaya I’m happy for her. Best wishes, talaga namang I wish her all the best, the happiness, go, go go!” nakangiting pahayag ni Nova.

Kahit hindi nagkatrabaho sa mga eksena ay proud na proud ang beteranang komedyana dahil nakasama si Sarah sa isang magandang proyekto. “Sa premiere night ko nga lang nakita si Sarah noon. Sabi ko, ‘Hi! Ms. Sarah.’ Ako na ‘yung gumano’n, ‘Tita Nova,’ nag-embrace kami. Na-starstruck ako sa kanya kasi ang bait niya. Nagtataka lang ako kung bakit ang dami kong nomination sa Miss Granny. Parang hindi na natapos-tapos ‘yon last year, sunud-sunod. And I’m very proud na nakasama ko ang isang Sarah sa movie,” pagdedetalye ng aktres.

(Reports from JCC)  

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with