^

PSN Showbiz

Female personality memoryado na ang galaw sa mga tira-tirang pagkain sa taping

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagtatawanan ng kanyang mga katrabaho ang palaging pagsasangkalan ng isang kilalang female personality sa kanyang mga alagang aso at pusa kapag nag-uuwi siya ng mga pagkain mula sa taping o shooting.

Deadma lang ang mga ito kapag naglilitanya ang aktres na sa­yang daw naman ang mga tira-tira, mas magandang mapakinabangan, kaya iuuwi niya na lang para sa kanyang mga alaga.

Armado ang aktres ng mga plastic bins at mga plastic na supot kahit saan siya magpunta. Naka­handa talaga siya sa pag-uuwi ng mga pagkain.

Kuwento ng isang source, “Kilalang-kilala na si ____(pangalan ng female personality) sa pagiging ganu’n! Hindi talaga siya makatitiis na hindi mag-uwi ng mga food mula sa set.

“’Yun na talaga ang dibersiyon niya, ang mag-uwi ng mga leftover sa kahit anong okasyong puntahan niya! Kinakausap niya agad ang head ng catering, sinasabihan niya na mag-uuwi siya!

“Binibigyan naman siya siyempre, dahil kilala siyang artista, walang tumatanggi sa kanya, kasi nga, marunong naman siyang umamot, marespeto siya sa pagpapaalam,” unang kuwento ng ­aming impormante.

Natural, medyo defensive siya kapag ibinibigay na sa kanyang PA ang mga pagkaing iuuwi niya, agad niyang sasabihin na kesa sa masayang ang mga food na ‘yun ay mas magandang mapakinaba­ngan na ng kanyang mga alagang aso at pusa.

Balik-kuwento ng aming source, “’Yun na ang standard line niya, ipinaririnig niya talaga sa lahat na iniuuwi niya ang mga tira-tira para maipakain sa mga alaga niya!

“Pero pinagtatawanan lang ‘yun ng ibang mga kasamahan niya, kasi nga, alam naman nila na walang mga ala­gang aso at pusa sa bahay ang girl.

“Pinatunayan pa ‘yun ng isang production staff na nagdala ng script niya nu’ng minsan sa bahay niya. Wala siyang mga alagang hayup sa bahay, wala talaga.

“E, kanino niya ipinakakain ang mga iniuuwi niyang food? Alangan namang silang mag-anak ang kumakain ng mga tira-tirang iniuuwi niya?

“Ganu’n na ba siya katindi, na ang ipakakain niya sa mga anak niya, e, mga tirang food sa ­taping? Hindi naman siguro niya magagawa ang ganu’n!” napapailing na opinyon ng aming impormante.

Ubos!

John Lloyd hinihintay mag-react sa pasabog na ‘black hole’ ni Ellen

Mga kababayan na lang siguro nating naninirahan sa bundok na walang kaalam-alam tungkol sa mga nagaganap sa kapatagan ang hindi magtatanong kung si John Lloyd Cruz ba ang na­ging karelasyon ni Ellen Adarna sa loob ng tatlong taon.

Lantad na lantad ang kanilang relasyon, isinakripisyo pa nga nila ang mabulaklak nilang career para bigyan ng pagkakataon ang kanilang pagmamahalan, pero hanggang du’n lang pala ‘yun.

Makahulugan ang kuwento ni Ellen Adarna sa kanyang IG. Dumaan siya sa mahaba-habang proseso ng mental training dahil ramdam na ramdam na niya ang pag-atake ng depresyon sa kanyang sistema.

Ganu’n din dapat ang gagawing aksiyon ng isang pamosong female personality na nagbabalak nang bumalik sa harap ng mga camera. Pinagpayuhan ito ng mga ehekutibo ng isang network na sumailalim sa mental training, na parang detox na rin, para maging malinis ang kanyang pisikal na katawan.

Pero hindi tumuloy ang female personality, naduwag ito, hindi kasing tapang ni Ellen Adarna na talaga hinarap ang hamon para siya makatakas sa dati niyang sitwasyon.

Black hole ang terminong ginamit ni Ellen na kinasadlakan niya sa loob ng tatlong taon. Maitim ang pinagdaanan niya, negatibo, kaya gusto na niyang makaalpas.

Pinagtagumpayan na ni Ellen ang mahabang mental training na pinagdaanan niya at ngayon ay napakalaki ng kanyang pasasalamat dahil hindi na siya bilanggo ng maitim niyang nakaraan.

Natural, bigay na bigay na ang kuwento, sino ba ang maiisip ng kahit sinong nakababasa ng kanyang patotoo kundi si JLC na tatlong taon niyang naka-live-in?

Ang konklusyon ng mas nakararami ay isang black hole pala ang relasyong pinagsaluhan nila ng aktor sa loob nang tatlong taon. Kabaligtaran pala ‘yun ng akala nu’n ng buong bayan na napakaligaya nila.

Black hole. Madilim na mundo. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni John Lloyd sa rebelasyon ng ina ng kanyang anak?

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with