^

PSN Showbiz

Guwapong aktor mahusay sa ‘press release’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung tawagin ng kanyang mga dating kaibigan ang isang pamoso at guwapong aktor sa kabila ng kanyang pagkakaedad ay Mr. Press Release.

Kung may mga tinatawag na OPM, ang mga taong mahilig mangako pero hindi naman tumutupad, ay meron ding tulad ng male personality na ito na puro press release lang ang alam.

Kuwento ng aming source, “Napakara­ming naging kaibigan ng lalaking ‘yun nu’ng bigla siyang nawala dito at nag-stay sa ibang bansa. Maraming tumulong sa kanya, talagang sinuportahan siya nang todo!

“Siyempre, bukod sa kilala na siya, e, kilala ang mga Pinoy sa pagiging supportive kahit kailan, kaya hindi siya masyadong nahirapang mag-adjust nu’ng nasa ibang bansa na siya!

“Hindi siya binitiwan sa pagsuporta ng mga kababayan natin hanggang hindi pa niya kinakayang magsarili, napakalaki ng utang na loob niya sa mga taong ‘yun!” unang sultada ng aming source.

Ilang taon din siyang namalagi sa nasabing bansa, nagkatrabaho siya agad, dahil na rin sa tulong at suporta ng mga Pinoy.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Tuwing nagkikita-kita sila, e, palaging sinasabi ng male personality sa mga umaayuda sa kanya na kapag nakauwi siya dito sa atin, e, siya naman ang susuporta sa mga magbabalikbayan.

“Natural, umasa naman ang mga pinagsasabihan niya, gaganti ng suporta si ____(pangalan ng kilalang male personality) kapag bumiyahe sila ng Pinas. Tinandaan nila ang pangako na ‘yun ng male personality.

“Heto na, nakauwi na ang guy dito sa Pilipinas, nakabalik na sa trabaho, balik na naman siya sa dati niyang gawi na taping at shooting ang inaatupag.

“Nag-uwian ang mga kaibigan niya sa ibang bansa, biglaan ang kanilang uwi, meron lang silang dadaluhang kasalan ng isang kaibigan din nila.

“Panay-panay ang tawag nila sa male personality dahil tatlong araw lang silang mag-i-stay dito sa atin, bitin ang kanilang oras, pero hindi man lang sila sinasagot ng male personality.

“Ginawa na nila ang lahat ng paraan para ma-reach ang guy, pero talagang tinatabla sila, kaya du’n ipinanganak ang tawag sa kanyang Mr. Press Release.

“Hanggang kuda lang si Mr. Press Release, hanggang puro pangako lang, pero hindi niya naman tinutupad ang mga sinasabi niya.

“Naku, napakakuripot kasi ng lalaking ‘yun! Araw-gabi siyang kuring, kaya naisip siguro niya na kung makikipagkita siya sa mga dati niyang kaibigan, e, siya siyempre ang taya, siya ang gagastos!

“Mr. Press Release. Siya na nga ‘yun, wala nang iba! Pagdating talaga sa datung, e, napakahusay ng lalaking ‘yun!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie at Kris, ‘di bagay mag-dyowa dahil sa ugali

Nasa Mindoro ang bagong beach house ni Willie Revillame. Mahigit nang isang taon na ginagawa ‘yun pero hindi matapus-tapos dahil padagdag nang padagdag ang kanyang ipinagagawa sa kanyang arkitekto.

Ang puting buhangin sa palibot ng beach house ay inorder pa sa ibang bansa ng aktor-TV host, ilampung barko ng puting-puti at pinong-pinong buhangin ang ikinalat sa palibot ng beach house ni Willie.

‘Yun ang sinasabing beach house ni Kris Aquino na kinaroroonan nilang mag-iina ngayon. Nu’ng nakaraang Huwebes sila nagpunta sa Boracay para sana magbakasyon pero nagdesisyon si Kris na magpasundo kay Willie para sa beach house na lang nito mamalagi.

Mahal na mahal ni Willie sina Joshua at Bimby, kahit punumpuno ng trabaho ang aktor-TV host, basta naglambing sa kanya si Josh ay siguradong dadalawin nito ang panganay ni Kris.

Ipinasundo ni Willie sa kanyang piloto ang mag-iina, bukod sa magandang beach house ay palagi rin silang namamasyal sa karagatan dahil nandu’n ang yate ni Willie, wala nang hahanapin pa si Kris.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang maging magkarelasyon? Tutal naman, e, super-close na ang mga anak ni Kris kay Willie, wala nang magiging problema!

“’Yun lang naman ang palaging sinasabi ni Kris, di ba? Bago raw siya, e, kailangan munang mahalin ng magiging boyfriend niya ang mga anak niya!” excited na komento ni prop.

Nakow, mas maganda nang magkaibigan na lang sina Willie at Kris, tanggalin na natin ang ideyang maging magkarelasyon sila dahil wala ring mangyayari.

Parehong matigas ang kanilang ulo, kung ano ang maisipan ay ‘yun ang kailangang masunod, kaya siguradong isang malaking problema lang ang magaganap kapag naging magkarelasyon sila.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

KRIS AQUINO

MR. PRESS RELEASE

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with