^

PSN Showbiz

Mga sinehan sarado naabs at gma, walang taping, shooting ng mga pelikula sapul sa virus!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga sinehan sarado naabs at gma, walang taping, shooting ng mga pelikula sapul sa virus!
Coco

Probinsyano napatigil ng virus serye nina Coco, Liza, Gerald Pahinga, James, Nadine, Julia papalit muna!

Literal na nganga ang mga taga-showbiz para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Ngayong araw ang umpisa ng community quarantine na inutos ni Pangulong Duterte.

Kaya umpisa na rin today ang pagsasara ng mga sinehan, suspension ng mga live entertainment show at taping ng lahat ng teleserye ng ABS-CBN. Kasama sa hindi na muna mapapanood ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ang GMA 7 ay naglabas din ng statement na suspended din ang mga Network-produced entertainment prog­rams nila.

Maging ang shooting ng mga ginagawang pelikula  ng Regal Films at film arms ng ABS-CBN na Star Cinema, Black Sheep, CineBro and Cinema Originals ay hindi muna itutuloy dahil na rin sa pagrami ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa statement ng ABS-CBN, ipalalabas muna nila ang mga natapos na nilang serye.

 “Simula 16 Marso 2020, muli naming ipapalabas ang mga teleseryeng minahal ng mga Pilipino at ieere ang isang iWant original series para pumalit sa mga programa namin sa gabi,” unang bahagi ng statement.

“Ang Pamilya Ko ay papalitan ng teleseryeng 100 Days to Heaven nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria, at Xyriel Manabat.

“Magbabalik naman si Bro sa primetime sa May Bukas Pa kasama si Zaijian Jaranilla bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang Make It With You ay papalitan ng hit romantic comedy series nina Nadine Lustre at James Reid na  On The Wings of Love.

“Ang A Soldier’s Heart ay papalitan ng mystery thriller na I Am U, ang iWant original series ni Julia Barretto, mula Marso 16 hanggang 20.

“Tinitiyak namin sa ­aming mga manonood na pansamantala lamang ang mga pagbabagong ito. Ibabalik namin ang regular programming ng ABS-CBN kapag bumuti na ang sitwasyon at sigurado kaming hindi malalagay sa ala­nganin ang kaligtasan at kalagayan ng lahat.”

Tuloy naman lahat ng news programs ng dalawang network sa TV, radio at lahat ng media platforms.

Ayon naman sa Kapuso Network : “In accordance, however, with the government’s declaration of a community quarantine in Metro Manila and as part of the measures that the Network is doing to ensure the safety and well-being of its talents, production teams, employees, their families as well as the general public, GMA will be temporarily suspending the production of Network-produced entertainment programs. The Network has also advised its blocktimers and co-producers to comply with the community quarantine guidelines. GMA will continue to air fresh, pre-taped episodes of some shows and thereafter, a new programming line-up is in store for all Kapuso viewers in the coming days,” ang bahagi ng statement ng GMA7.

Sa official statement naman ng Ayala Malls, ang safety din ng lahat ang kanilang priority kaya naman isasara ang mga sinehan nila simulang ngayon araw.  Lahat din ng mall kahapon ay nagsara ng 7:00 p.m. - SM Malls, Ayala Malls, and Robinsons.

vuukle comment

COCO MARTIN

JAMES REID

LIZA SOBERANO

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with