^

PSN Showbiz

Showbiz workers mas natatakot mamatay sa gutom kesa sa coronavirus

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Showbiz workers mas natatakot mamatay sa gutom kesa sa coronavirus
Liza

Naglabas na ng statement nung nakaraang Biyernes, March 13 si Ms. Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines na dini-discourage ang publiko na manood ng mga pelikula bilang pagsunod sa direktiba ng ating Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang mass gatherings na higit 20 katao.

Kahapon lang ay naglabas na rin ng pahayag ang MMDA Council na ipapasara na muna ang malls. Ang maiiwan lang na bukas ay ang mga supermarkets, bangko at pharmacy.

Kaya kaagad na naglabas na rin ng statement ang dalawang higanteng network ng announcement na tigil muna sila ng taping at live shows.

Wala talagang trabaho na, dahil kahit sa live shows kagaya ng All-Out Sundays sa GMA-7 at ASAP sa ABS-CBN 2 ay replay muna ang mapapanood.

Kahapon din ay naglabas ang Kapamilya network ng isa pang announcement na magkakaroon muna ng break sa primetime shows nila at papalitan muna ito ng mga luma nilang primetime series.

Pati movie producers kagaya ng Regal Multimedia at naglabas na rin ng statement na tigil shooting muna sila bilang pagsunod sa direktiba na social distancing at ang restriction sa paglabas-masok sa outside Metro Manila.

Hindi kasi masasabi kung hanggang kailan ito kahit sinasabi ng ating pangulo na isang buwan itong community quarantine.

Kaya ilan sa mga production staff na nakakatsikahan ko, dumadaing na sila ngayon pa lang.

Sila iyong make-up artists, stylists at PA at ilan pang staff na kumikita lang kapag may taping o shooting.

May ilang staff na raw na nangungutang na ngayon dahil hindi nila alam kung kakayanin ba ng naipon nila ang pantustos sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Isang executive producer ng isang top-rated drama series ang naka-chat ko at medyo natatakot na raw siya ngayon kung sakaling magtatagal pa itong community quarantine, lalo na kung magkaroon pa ng total lockdown.

Okay lang daw ngayon dahil may suweldo pa naman silang natatanggap. Paano raw kung kapusin na. Doon daw sila mas natatakot.

Baka kayanin daw nilang iwasan ang COVID-19, pero ang gutom ay hindi.

Hindi nga raw sila mamamatay sa coronavirus, baka mamatay naman daw sila sa gutom.

Kaya talagang nag-iingat lang at patuloy sa pagdarasal na sana matapos na ito at hindi na lumalala ang pagkalat ng nakakatakot na virus na ito.

Mga magagandang palabas na-hold dahil sa virus!

Marami pang magagandang programang dapat nang simulan, pero na-hold lahat dahil sa banta ng pagkalat ng coronavirus.

Kaya nga hindi na muna itutuloy ang pilot ng Everybody Sing!, at parang replay muna ang mapapanood natin.

Meron pa palang bagong programa na ang ganda raw ng concept na franchise show ito mula sa ibang bansa.

Ang narinig naming napipisil na maghu-host nito ay si Jose Manalo, pero wala pa raw munang kumpirmasyon kung tinanggap na ito ng Eat Bulaga Dabarkad o hindi.

vuukle comment

LIZA DINO

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with