^

PSN Showbiz

Iza nag-nude sa lovescene nila ni Sam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iza nag-nude sa lovescene nila ni Sam
Iza and Sam

Simula ngayong araw ay mga lumang episode muna ng iba’t ibang entertainment shows ang mapapanood sa ABS-CBN. Pansamantalang itinigil ng Kapamilya network ang pagtatanghal ng mga live entertainment show at taping ng mga teleserye bilang pagsunod sa deklarasyon ng pamahalaan ng community quarantine at pagbabawal ng pagtitipon nang maramihan upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Nagdesisyon ang ABS-CBN na gawin ito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga artista, mga empleyado at  kanilang mga pamilya at ng publiko.

Hindi muna maipalalabas ang teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Maricel Soriano at Iza Calzado.

Napabalita kamakailan na magsisimula na ang bagong serye sa susunod na Lunes, March 23, at ngayon ay ipagpapaliban muna ito.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumawa si Iza ng mga mapangahas na eksena para sa bagong teleserye. Kailangan raw pakaabangan ng mga tagahanga ang intimate scenes nila ni Sam. “Never ko pang ginawa sa TV ‘yung love scene na ginawa namin. Noong nagsu-shoot kami no’n, alam n’yo na, naka-nude (kami na underwear). Tapos ako may takip lang (sa dibdib), tapos nasa loob kami ng banyo, hinihintay lang naming ‘yung set up. Sabi ko sa kanya, ‘What a job! Alam mo pagtanda natin, pag-uusapan natin ‘to tapos pagtatawanan natin siya.’ Parang who gets to do this as a job? It’s such an adventure-filled job. So abangan n’yo po ang aming best in leeg-leeg acting,” pahayag ni Iza.

Bukod sa maiinit na eksena nila ni Sam ay kaabang-abang din ang mga eksena ng aktres at ng Diamond Star. “Favorite ko rin ‘yung una kong na-witness si Maricel Soriano. Nakatingin ako sa kanya (sa eksena), siyempre ‘pag pinapanood mo si Maricel Soriano, parang you’re in awe. First day namin ‘yon eh, tapos ‘pag naka-cut, sinasabi ko, ‘Huwag mo kong ma-Terry, Terry,” natatawang kuwento ng aktres.

JC nag-fan boy sa Japanese actor

Masayang inalala ni JC Santos ang pagkakataong nakita ang Japanese actor na si Takeru Satoh ng pelikulang Rorouni Kenshin ilang buwan na ang nakalilipas. Nangyari ito nang dumalo si JC sa 32nd Tokyo International Film Festival noong October, 2019. “Nasa red carpet premiere ako ng Tokyo International Film Festival, tapos nasa likod ko ‘yung bida ng Rorouni Kenshin. Nando’n siya sa likod ko. Sabi ko, ‘Wow! We’re the same height, and he’s so skinny. He looks good!’ Nag-fan boy ako on the spot,” kuwento ni JC.

Dumalo sa naturang premiere screening ang aktor para sa pelikulang Motel Acacia. Sobrang proud ni JC dahil napabilang ang pelikulang pinagbibidahan sa mga international screening. Bukod sa Japan ay naipalabas na rin ang bagong pelikula sa international film festival sa Taiwan at Indonesia.

Palabas pa rin sa mga sinehan sa Pilipinas ngayon ang nasabing proyekto mula sa Black Sheep at ABS-CBN Films. “Actually hindi ko nga ini-expect na ipapalabas ito sa Pilipinas. Ang swerte na pwede pala itong ipalabas dito, na matatangkilik pala ito ng Filipino audience at magugustuhan ito ng Black Sheep at ABS-CBN Films. Ang nakaka-proud doon ay nag-e-enjoy  ‘yung international countries especially ‘yung Japan. When I was there talagang sold out ang mga cinema,” pagbabahagi niya.   (Reports from JCC)

vuukle comment

IZA CALZADO

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with