^

PSN Showbiz

Metro Manila Summer Filmfest, nanganganib sa COVID!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila Summer Filmfest, nanganganib sa COVID!
Mark

Malungkot ang ilang events planner na kaibigan namin dahil na-cancel lahat ng ino-organize nila kaya tengga na lang daw sa bahay.

Ang lungkot nga ng post ni Mark Bautista sa kanyang Instagram account na kailangan nilang i-cancel ang musical play nilang The Bands Visit kung saan naka-schedule ang performance ngayong buwan at sa June. Pero meron daw limited performance sina Mark ngayong araw at invitational lang ito.

Kanselado na rin ang BuDaKhel concert, pati ang PBA (Philippine Basketball Association) games.

Pinag-iisipan na rin daw ng producer ng concert ni Odette Quesada na i-postpone muna, pero wala pa silang na-finalize dahil naghahanap pa ng magandang schedule kung kailan ito itutuloy.

Pati ang kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival ay pag-uusapan na rin daw sa mga participating producers kung itutuloy ba nila ito sa April. Magkakaroon sila ng meeting sa Lunes para mapagdesisyunan ito at i-asses daw nila ang cancellation ng mga klase ngayong linggo at kung ano ang epekto nito.

Ang dalangin naman ng lahat ay humupa na ito at huwag nang lumala pa, para maging normal ang lahat at wala nang magpa-panic.

Production staff ng mga drama series hirap na hirap na

Nakatsikahan naman namin si Madam Baby Go ng BG Films International at nanghihinayang siya sa pag-postpone ng Sinag Maynila dahil kasali roon ang pelikula niyang Latay. Magsisimula dapat sa March 17 - 24, at dapat ay may commercial showing na sa April 1. Pero napagdesisyunan ng pamunuan ng Sinag Maynila na pinangungunahan ng festival director nilang si direk Brillante Mendoza na i-postpone muna.

Sabi pa naman ni Madam Baby, gusto na raw niyang magpaka-active uli sa pag-produce ng pelikula at hindi raw siya natatakot sa COVID-19.

Gusto na raw niyang simulan ang horror film na ididirek ni direk Joey Romero, pero parang magpapalit na sila ng casting dahil hindi na puwede ang karamihan sa kanila. Si Beauty Gonzales dapat ang bida roon.

Pero marami raw siyang naka-line up at ayaw daw niyang magpasindak sa COVID-19.

Dapat pala ay kasali ang pelikulang Latay sa isang international film festival sa Rome pero na-cancel na nga ito, dahil sa lockdown sa Italy.

Samantala, nakarating na nung nakaraang Lunes si Snooky Serna mula sa Portugal na kung saan dumalo siya sa Fantasporto International Film Festival. Kaya isinabmit niya ang sarili sa vo­  luntary quarantine ng dalawang linggo kaya hindi pa siya puwedeng mag-taping sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Hirap nga ang production staff ngayon sa mga nagti-taping ng drama series dahil bukod sa maingat sila sa lahat na kabilang sa set, gaya ng pag-check ng temperature at kung may travel history, bilang din ang oras ng trabaho dahil ipinapatupad talaga nila ang 16 working hours.

Sen. Bong naka-self quarantine 

Kahapon naman ay naglabas ng statement si Sen. Bong Revilla na magpa-self-quarantine na siya pagkatapos ng lumabas ang balitang may COVID-19 positive na dumalo sa hearing ng committee ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Nag-self-quarantine na si Sen. Gatchalian at pati si Sen. Nancy Binay.

Narito ang bahagi ng statement na ipinadala sa amin ni Sen. Bong. “Sen. Gatchalian is my seatmate in the Senate. Maliban sa session noong Monday, magkasama rin kami sa aking opisina kahapon, pati na sina Sen. Sonny Angara at Mayor Sara Duterte - na pare-pareho na ring nag-self quarantine.

“Bilang pag-iingat, kahit na wala akong anumang sintomas, nagdesisyon po akong mag vo­luntary quarantine umpisa kagabi. We don’t want to expose others to potential risk.”

Dahil dito, posibleng hindi muna siya makapag-taping sa Agimat ng Aguila na ginagawa niya every weekend.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with