^

PSN Showbiz

Vice nag-sorry, GGV babu na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice nag-sorry, GGV babu na
Vice

Nag-babu na ang Gandang Gabi Vice last Sunday night.

Si Raffy Tulfo ang huling guest ng programa ni Vice Ganda.

In all fairness, umabot din pala ng nine years ang GGV na nang mag-start ayon kay Vice ay one season lang ang advice sa kanya pero inabot na sila ng halos isang dekada.

Nanghingi rin ng sorry si Vice sa mga na-offend ng programa niya at nagpasalamat naman ang maraming ibang mga naging guest ng GGV tulad nina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Moira, Angelica Panganiban at iba pa. “I am not perfect, the show is not perfect... sigurado ako may mga pagkakataon na-o-offend namin kayo. Ang mga nakasanayan ninyo sa buhay. O ang trip ninyo sa buhay. O hindi ninyo trip ang mga ginagawa namin. We apologize po. Wala po kaming intention na masama.

“But still thank you very much. This is a very big blessing,” ang pasasalamat niya.

Nagulat nga raw siya na umabot sila ng ganun katagal.

“Napakasarap malamang masaya kayong nakapiling ako at ang GGV sa loob ng 9 years. Masaya akong nakapagpasaya ako. Salamat po!!! #GandangGabiVice,” tweet ni Vice na hindi naman mami-miss ng kanyang regular viewers dahil programa pa rin niya ang papalit sa GGV, Everybody Sing.

Late last year pa nang kumalat ang chikang tsutsugiin na nga ang programa na nasabay pa noon sa mga negative reviews ng MMFF movie ni Vice na The Mall, The Merrier.

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with