^

PSN Showbiz

Joshua, kabado na walang katambal sa bagong pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, kabado na walang katambal sa bagong pelikula
Joshua

Walang katambal si Joshua Garcia sa pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ang aktor ng pelikula na walang katambal. “Nakakapanibago, first time kong gumawa ng pelikula na walang love interest kaya talagang nakakapanibago. Kasi usually kapag may love team ako, creating chemistry with your partner ‘yon eh. Ito magki-create ako ng chemistry with friends, with lola (Angie Ferro). So bago rin sa akin ‘to,” paliwanag ni Joshua.

Aminado rin ang aktor na nakararamdam siya ng kaba para sa bagong pelikula dahil wala siyang katambal dito. “Wala nang ‘I love you’ dito eh. Ito na ‘yung mas ano, ako na lang dito. At dahil solo ako, mas kinakabahan ako ngayon. Kapag kasi may partner ka dalawa kayong nagtutulong lalo na sa promo. Dito pakiramdam ko dapat double ‘yung effort ko. Pero gagawin ko na lang siguro ‘yung best ko,” giit niya.

Masama ang karakter ni Joshua bilang si Galo sa naturang mystery film.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit talagang nanibago ang binata sa trabaho ngayon. “Itong movie namin ngayon maraming layers ‘yung character ko. Akala mo mabait siya pero madaming kulo, madaming kalokohan. I’m sure do’n sa mga nakabasa ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, kilalang-kilala nila si Galo,” pagtatapos ng aktor.

Inigo, nag-react sa closeness nina maris at McCoy

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na diumano ngayon sina Maris Racal at McCoy de Leon. Huling nagkasama ang dalawa sa pelikulang Block Z. Matatandaang naging kontobersyal ang paghihiwalay nina Maris at Inigo Pascual noong isang taon.

Naka-move on na kaya ang aktres sa anak ni Piolo Pascual? “Wala akong alam. Ako, kung sila eh di I’m happy for them. There’s no problem between us. We are all very civil and very professional with one another. McCoy is one of my good friends as well. Para kay Maris, I’m happy wherever she’s happy,” nakangiting pahayag ni Inigo.

Sa ngayon ay walang karelasyon ang binata at ang trabaho daw muna ang pagtutuunan ng panahon. “I feel like I’m at this point in my life where I’m really just figuring out what I want to do. I mean 2019 was a good year but it definitely was a year parang nangangapa sa career. I was not really sure where was this going. I feel like 2020, I want to be able to really solidify what I want to do and take it to the next level,” pagbabahagi niya.
(Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with