^

PSN Showbiz

Tony Boy at Atong sanib-pwersa sa birthday ni Gretchen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Tony Boy at Atong sanib-pwersa sa birthday ni Gretchen

Ang weird lang mapanood ang video ng isa sa mga birthday celebrations ni Gretchen Barretto sa Solaire dahil ang hotel staff na may dala ng birthday cake at boquet of flowers ay may suot na mask.

Pero kung si Gretchen nga walang reklamo, tayo pa ba ang magrereklamo? Saka, sa dumaraming kaso ng nagkakasakit ng coronavirus, dapat na talagang mag-ingat lahat.

Binati ni Claudine Barretto ng happy birthday ang ate niya at ang sabi, “Happy hap­py birthday to may Ate @gretchenbarretto its a privilege to have u as my sister. I luv u #doubleinfinity.”

Sinagot siya ni Gretchen ng “You will always be my baby girl. thank you for your love.”

Sa isang group picture sa birthday celebration ni Gret­chen, kasama nila sina Tony Boy Cojuangco, Atong Ang at iba pang kaibigan. Wala si Mrs. Inday Barretto, kaya hindi naiwasang may mga magtanong kung nasaan ang mom ni Gretchen.

Zia graduate na

Naka-post sa IG Story ni Marian Rivera ang litrato ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes in a beautiful white dress at ang caption ay “Graduation Day! Congratulations Ate Z...”

Hindi binanggit ni Marian kung sa Nursery 1 o sa ibang level nag-graduate si Zia, pero ang ganda-ganda ng bagets at ang ganda ng mga ngiti sa kanyang graduation day.

Sobrang tuwa tiyak sina Dingdong at Marian na naka-step one na sa kanyang pag-aaral si Zia.

Naalala namin ang kwento ni Marian na kung hindi si Dingdong, siya ang naghahatid at sumusundo kay Zia sa school at dahil malalayo ang taping ng Descendants of the Sun, si Marian ang madalas naghahatid at sumusundo sa anak lately.

Maaalala ring laging nananalo si Zia sa mga pa-contest sa kanilang school lalo na sa mga best costume na sabi ni Dingdong, kina-career ni Marian.

Sheryl bina-bash sa harutan kay Jeric

Naba-bash na si Sheryl Cruz dahil sa role at karakter niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw na kung saan, nang-agaw siya ng asawa sa ibang babae dahil sa pagganti. Na­ging makatotohanan ang pagganap ni Sheryl sa role ni Veron, sa pakikipaghalikan at bed scene, kaya ayun, sinugod siya ng ba­shers sa social media at katakut-takot na bashing ang natatanggap.

“My character may not be squeaky clean, but please get your info right as I accepted this project because I am one of the leads, and also part of the title role of the series,” post ni Sheryl.

Siguradong nadadala ang viewers ng soap sa karakter ni Sheryl na todo kung makipaghalikan kay Jeric Gonzales, kaya sila natsismis na may relasyon. May viewer nga ring nag-comment na nagulat siya nang mapanood ang kissing scene ng dalawa at nag-comment na mabuti at pumapayag ang GMA-7 na may ganu’ng eksena sa afternoon time slot nila.

Nalinaw na nina Sheryl at Jeric na wala silang relasyon, pero may shippers ang dalawa na ang tawag nila sa kanilang grupo ay JerRyl. Kaloka lang na at her age, nireregaluhan pa rin ng teddy bear si Sheryl at ang isa pang iniregalo sa kanya ay blanket na Hello Kitty.

Sana naman, ibagay sa edad ni Sheryl ang regalo ng fans. Sa amin lang naman ito, nasa fans na kung susunod o hindi.

 

vuukle comment

TONY BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with