^

PSN Showbiz

'Baby Dahlia' nina Anne Curtis, Erwan Heussaff ipinasilip

James Relativo - Philstar.com
'Baby Dahlia' nina Anne Curtis, Erwan Heussaff ipinasilip
Kuha ng baby girl nina Anne at Erwan na kanilang ibinahagi sa social media, Biyernes.
Mula sa Instagram account nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

MANILA, Philippines — Ibinahagi na sa publiko nina Kapamilya star Anne Curtis at mister na si Erwan Heussaff ang unang sulyap sa kanilang baby girl na si "Dahlia," Biyernes ng umaga.

"Everyone, I would like to introduce our darling daughter, Dahlia Amélie Heussaff," bulaga ni Anne sa mga netizens kanina.

"[I never] knew I could love someone so much...So much that it hurts in a good way... it’s an unexplainable kind of love."

Iniluwal ni Anne sa mundo ang kanyang supling noong Lunes, ika-2 ng Marso.

Tiniyak naman ng aktres na lagi niyang mamahalin, proprotektahan at gagabayan ang kanyang anak hanggang sa paglaki.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ayon naman kay daddy Erwan, hindi niya akalaing mas mamahalin niya pa ang misis oras na maging tatlo na sila sa buhay.

"Anne was so impressive throughout her pregnancy and in labor. I will forever be in her debt," wika niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on

Sa kabila nito, kapansin-pansin na hindi ipinakita ng magkabiyak ang mukha ng kanilang anak, at nagpasapat na lang sa pagpapasilip ng kanyang ulo, kamay at mga paa.

Samantala, sabik na sabik na ring makita ng "It's Showtime" family ni Anne ang baby.

"Excited na kaming makita ang baby Dyosa mo dito sa Showtime, mommy Anne!!" sabi nila sa kanilang official Facebook page.

Disyembre 2016 nang unang kumpirmahin ni Anne ang engagement sa kanyang noo'y long-time boyfriend, na isang food blogger at restaurateur.

Taong 2017 naman nang tuluyang lumagay sa tahimik ang dalawa matapos ang pribadong kasal sa Queenstown, New Zealand.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BABY PHOTOS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with