^

PSN Showbiz

Enchong, happy para kay Alexa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enchong, happy para kay Alexa
Enchong

Nakatakdang gawan ng prequel ang pelikulang Four Sisters And A Wedding na pinagbidahan noong 2013 nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee. Masaya ang aktor para sa kaibigang si Alexa Ilacad na isa sa mga pangunahing bida para sa bagong pelikula. “Panoorin ko na lang muna bago ako mag-react. Kasi malapit sa akin ‘yung proyektong ‘yon eh, hindi ko pa alam kung anong kalalabasan. Congratulations for them, lalo na kay Alexa. Alam kong masaya siya sa project na ‘yon lalo na ‘yung gagampanan niya si Bea (bilang si Bobbie). So I’m very happy for her,” nakangiting pahayag ni Enchong.

Four Sisters Before The Wedding ang magiging titulo ng proyekto na gagawin naman ng SCX na bagong production arm ng Star Cinema. Pagbibidahan ito nina Alexa, Charlie Dizon, Gillian Vicencio at Belle Mariano.

Tatalakayin sa bagong pelikula ang kwento ng magkakapatid na Salazar sampung taon bago mangyari ang kontrobersyal na pagpapakasal ng nag-iisang lalaki na ginampanan noon ni Enchong.

Shanti Dope, may pa-video sa mga takot sumugal sa relasyon

Malapit nang mapanood ang music video ng kantang Normalan ni Sean Patrick Ramos o mas kilala bilang si Shanti Dope.

Ayon sa sikat na rapper-composer ay maganda ang mensahe ng bagong kanta kaya kailangan itong pakaabangan ng mga tagahanga. “Sa totoo lang, kaya din naming gusto gawan ng music video ‘yung kantang ‘to is para maipresenta namin ‘yung kwentong nakikita namin. Para sa mga nasa sitwasyon, para sa mga takot sumugal sa relasyon tulad ko. Dahil sa akin kasi parang maraming tao din na matagal nang mag-asawa pero naghihiwalay pa. Para kasi sa akin di ko pa nakikita ‘yung sarili ko na pumasok sa gano’ng klaseng commitment. Kaya para sa akin, ‘Normalan’ muna,” makahulugang pahayag ni Shanti Dope.

Umaasa ang binata na mas mara­ming mga kanta pa ang kanyang magagawa sa mga susunod na buwan. “Kasi marami din akong nagagawa na nakatabi lang din. Naghahanap lang din ako ng timing at tamang oras kasi depende sa panahon. Kung ano mararam­daman ko ngayong buwan, sige ilabas natin ‘yan,” pagbabahagi niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong magkaroon ng collaboration ni Shanti Dope kay Regine Velasquez-Alcasid. Isang malaking karangalan umano para sa rapper-composer na makatrabaho ang Asia’s Songbird. “Sa mainstream may mga napapakinggan akong kanta ni Sir Gloc-9 na Takipsilim. Nakita ko kasama niya si Ms. Regine. Baka pwedeng ilagay if ever game siya, soon si­guro, bahala na. Kung sino siguro bumagay sa magagawa kong kanta. Sa ngayon gusto ko siguro munang bumawi sa hip-hop. Marami akong gustong maka-collab sa rap din,” paglalahad ni Shanti Dope. (Reports from JCC)

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with