^

PSN Showbiz

Ian maluwag na tinanggap ang anak na lesbian

SHOW-MY - Salve Asis - Philstar.com
Ian maluwag na tinanggap ang anak na lesbian

Tanggap na tanggap ni Ian Veneracion ang anak niyang umaming isang lesbian.

Sa interview niya kahapon sa Magandang Buhay ay kinuwento ni Ian na naghahanda sa KilaboTitos concert nila ni Ogie Alcasid sa March 20 & 21, Music Museum, kung paano sa kanya nagpaalam ang anak na 16 years old lang that time.  Inalala ni Ian na “Kinukulit ko ‘yung mga motor ko nang dumating siya.  medyo teary eyed. Sabi niya ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also I like girls.’ So parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support,” ang detalyadong kuwento ng actor na singer na rin ngayon.

Maging ang wife niya raw ay tanggap ang ­sexuality ng kanilang anak na si Dids. Kaya sakaling magka-girlfriend daw ito, magiging masaya sila dahil masaya na rin ang anak nila.

Claudine pinangalandakan na mas mahusay si Julia Montes

Confirmed na hindi pa tapos ang salpukan ng pamilya Barretto pagkatapos mamayapa ang kanilang ama.

Mabilis ang sagot ni Claudine Barretto nang tanungin siya ng isang IG follower kung sino para sa kanya ang mas magaling kina Julia Barretto and Julia Montes.  Ang sagot ni Claudine sa kanyang IG follower “JULIA MONTES OFCOURSE.” Capital letter talaga ang reply niya.

Marami namang nag-agree dahil may pinatunayan na raw naman talaga si Julia M. kesa sa pamangkin ni Claudine na si Julia B.

Pero meron din namang nagtanggol kay Julia B. at nainis sa sagot ni Claudine.

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with