^

PSN Showbiz

Pauleen nagrereklamo sa panggagamit ng endorsement pagkatapos ng contract

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen nagrereklamo sa panggagamit ng endorsement pagkatapos ng contract
Pauleen

Alam mo ba Salve nakakatuwa si Pauleen Luna-Sotto ha. Meron siyang stretch mark lotion, ang Morrison, na kumuha sa kanya for online posting.

In all fairness, ginagamit ni Pauleen ‘yun pero nag-lapse na ang contract para sa digital endorsement niya. Pero nakita niya na hanggang ngayon ay ginagamit pa ang photo niya sa promo nito.

Dahil hindi ako mahilig mag-save ng number, pag tapos na ang usapan, inaalis ko na sa phone ko. Eh ang tagal ko nang naka-deal ang Morrison.

Sabagay, mukha namang mabait ang may-ari na si Morris at ang wife niya, baka lang na-overlooked nila na tapos na ang contract.

Okay naman sa amin ni Pauleen ang mag-renew o mag-extend, kaya sana para hindi magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan, pag nabasa ni Morris o sinuman sa taga-Morrison lotion ito, get in touch with us. At natuto na ako, keep na ako number, hindi na ako magdi-delete. Hahaha.

Buti pa si Pauleen nata-track niya ang deals namin, hah hah, mas mahusay pa siyang manager, kaya tingnan mo bongga si Bossing Vic Sotto. Hahaha!

Take It… nakaraos sa monthlong anniversary

Tapos na ang month long anniversary ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) kaya back to lutong bahay na naman tayo dahil tapos na ang sponsorship ng mga rich friends ni Cristy Fermin para sa catering. Hahaha.

Imagine, ang isang ‘small’ show na tulad ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) ay may catering for four weeks? Sobrang wow ‘di bah! Kaya nga tuwang-tuwa ako dahil ang sarap pala na makita mo at ma-feel na merong solid supporters ang show namin tatlo nina Mr. Fu at Cristy. Now, Salamat uli kay Mayette at binigyan na naman niya tayo ng products sponsorship, ang Calcium Cee.

Bongga talaga ang suporta ni Mayette sa show natin kaya love na love ko siya!

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with