^

PSN Showbiz

Ivana next big star na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ivana next big star na?!
Ivana

Siguro nga ay si Ivana Alawi na ang star of the hour, Salve. Hindi ba sign na napapansin ka na ng tao ay ‘pag may kung anu-anong mga chika na kumakalat tungkol sayo? Na napapansin na lahat ng ginagawa mo? Na ‘yung bibigyan na ng kulay kahit na isang ordinaryong bagay.

Dahil sa bata at maganda at ngayon ay masasabi pa nating very rich Asian si Ivana dahil sa namana niyang properties at pera sa namatay na foreigner father niya at dahil na rin sa siya ang bagong star na bibigyan ng mala­king break ng Star Magic, hindi na ako nagtataka kung ang daming ikinakalat na balita about Ivana.

Siyempre nga, star of the hour, pati iyon mga inosenteng lakad na nakita siya na may kasama, lalagyan ng malisya.

Naku, mea culpa, dahil pati ako naniwala sa isang tsismis na palagay ko ay ikinakalat ng isang naiinggit o nagseselos sa kung anumang nagaganap na magandang kapalaran kay Ivana Alawi.

Inamin ko naman na parang unbelievable yung mga tsismis, dahil paanong ang isang bata, maganda, mayaman at may haharaping mala­king paghamon sa career makagagawa ng isang maling hakbang sa buhay. Hindi ko talaga naisip na dahil sa magandang buhay ni Ivana, sure na maraming inggit at gustong siraan siya.

Imposible makagawa ng maling hakbang si Ivana with the guidance of her manager Perry Lansigan. Si Perry ay parang ama at ina sa mga hawak niyang talents, kaya ang guiding hands niya sa mga ito ay very personal at sure ako, kung susunod si Ivana kay Perry, tulad ni Dingdong Dantes ay magiging isa siya sa pinakasikat at respetadong artista ng showbiz.

I really want to meet you Ivana Alawi, the next big star of showbiz.

Goodluck and welcome. Congrats Perry, another feather to your league of talents.

Labanan ng ABS-CBN at P. Duterte parang Goliath versus Goliath

Battle of Goliaths ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN at sa pamunuan ni Pres. Duterte. Kaya exciting dahil parehong pader ang naglalaban at hinihintay ng lahat kung ano ang ending.

Never maiisip ng kahit sino na mangyayari ito sa isang TV giant, isang kinatatakutan network na binubuo ng mga respetadong journalists, radio commentators, TV anchors.

Gulat factor ang nangyari dahil kung iisipin mo, untouchable, hindi puwedeng bigyan ng sakit ng ulo, pero heto halos araw-araw may rally, araw-araw may inaabangang news, hinihintay kung ano na, ano ba ang mangyayari.

Ikinagulat ng lahat ang pagsoli ng P2.6-M na pera kay Presidente Rodrigo Duterte na refund daw sa hindi na-air na political ads. Naipaliwanag na ito ng ABS-CBN pero may mga nag-iisip pa rin na bakit ngayon lang? Kung hindi ba naging Presidente si Papa Digong isosoli pa rin?

Nagkaroon ng iba’t ibang consensus, at kung hindi lang out of the blue ‘yung issues na binuksan ni Robin Padilla, masasabi mong isa pa rin sa dapat ngang isaayos din. ‘Yung pera at oras na dapat tama sa ibabayad mo sa mga empleyado.

Ang ganda ng naganap na ito, isang aral na puwede pala na lumaban sa isang higante, kaya nga lang, ang puwede lang bang lumaban ay isa rin higante?

Mangyayari ba ang scenario na ito kung hindi si Papa Digong ang nag-complain?

Sa kasong ito, sana mag-umpisa ang maraming gusto nilang baguhin, dahil heto nga, lesson na one day, meron isa din Goliath na babangga sa iyo, kahit pa nga mataas at matibay ang pader mo.

Iyon kahit paano nagkaroon ka ng nerbiyos, nakapuntos na ang kalaban. This is one battle na so lucky na nakita ko in my life. Goliath versus Goliath.

vuukle comment

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with