^

PSN Showbiz

Carlo gusto nang maging misis ang gf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carlo gusto nang maging misis ang gf
Trina & Carlo

Masaya si Carlo Aquino sa relasyon nila ng kasintahang si Trina Candaza. Para sa aktor ay nasa tamang edad na rin siya ngayon upang lumagay na sa tahimik. Matatandaang noong isang taon lamang pumutok ang balitang isang non-showbiz girl na ang bagong nagpapatibok sa puso ni Carlo at posibleng ito raw ang naging dahilan ng tampuhan ng aktor at Angelica Panganiban.

“Siyempre oo, oo kasi nasa tamang edad na ako eh. 34 na ako eh. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon,” bungad ni Carlo.

Para sa aktor ay na kay Trina na ang lahat ng mga katangian na hinahanap niya sa isang babae. Ang dalaga na rin umano ang gustong makasama ni Carlo sa habambuhay. “Oo, final answer. Nag-iba ‘yung outlook ko sa buhay. Mas magaan, mas happy, wala naman siguro sa tagal ‘yon,” giit niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan nina Carlo at Angelica mula nang magkaroon ng bagong kasintahan ang aktor.

Wala raw sama ng loob ang aktor kay Angelica sa kabila ng mga naging pahayag ng aktres tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan. “Wala sa akin ha, sa side ko. Wala, kasi matagal na rin naman kaming magkakilala eh. Hindi pa kami (nakapag-uusap), pero sa mga events, ‘Hi! Hello!’” pagbabahagi ng aktor.

Huling nagkatambal ang dating magkasintahan sa pelikulang Exes Baggage noong 2018. Napabalita rin na nagkakamabutihang muli ang dating magka­sintahan at posible pa umanong magkabalikan noon. Umaasa pa rin ngayon si Carlo na magkakaayos sila ni Angelica sa takdang panahon. “Oo, kasi sayang eh. Totoong tao naman si Angge, mabait. Kahit ‘yung friendship lang (maibalik),” pagtatapos niya.

Melai isang dekada na sa ABS-CBN

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang tanghaling Big Winner si Melai Cantiveros sa Pinoy Big Brother: Double Up Edition.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa ABS-CBN dahil sa pagkakataong ibinigay ng Kapamilya network sa kanya. Nagbago talaga ang pamumuhay ni Melai mula nang manalo sa PBB. “Habambuhay kong ipagpapasalamat talaga. Sobrang hirap (ng buhay) talaga. ‘Yung ulam namin noon asin, asukal. Mabusog ka lang, laro na agad. Hindi namin iniinda ‘yung hirap. Ngayon di na asin o asukal, talagang leche flan na, with dessert,” nakangiting kwento ni Melai.

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa mapapasong prangkisa ng ABS-CBN. Umaasa si Melai na magpapatuloy sa operasyon ang Kapamilya network upang makapag­lingkod pa rin sa mga kababayan sa buong bansa at sa ilang panig ng mundo. “So keep the fire burning in the service of the Filipino,” giit ng Magandang Buhay host. Reports from JCC

 

vuukle comment

CARLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with