^

PSN Showbiz

Nanay ni Janella aprub kay Joshua

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-thumbs up si Jenine Desiderio, ang mom ni Janella Salvador nang may fan na nagtanong kung aprub sa kanya ang JoshNella at kung suportado niya ang bagong ka-loveteam ng anak.

Kahit hindi nag-comment, sapat na ang thumbs up sign ni Jenine para matuwa ang shippers nina Joshua Garcia at Janella. May napa-“whoaaah” sa sobrang tuwa, kaya ang request ng JoshNella fans, bigyan uli ng project ng ABS-CBN ang dalawa.

Ang daming kinikilig na Kapamilya viewers sa love team nina Joshua at Janella kahit may boyfriend si Janella.

Sabi nga ng fans ng dalawa, kung wala lang Markus Paterson si Janella, gugustuhin nilang si Joshua na ang maging boyfriend nito.

Miguel at Kyline may balikan sa pelikula!

Ang pelikulang The Firefly pala ang blessing na tinukoy ni Miguel Tanfelix, akala ng supporters nito, kasama na ang aktor sa cast ng Voltes V: The Legacy na gagawin ng GMA-7 at airing sa 2021.

Nag-storycon na ang movie na kung saan, makakasama ni Miguel sina Glaiza de Castro, Kyline Alcantara, young actor Raphael Landicho at Epy Quizon.  Si Zig Dulay ang director na sa March na raw sisimulan ang shooting.

Kaya good luck na lang sa schedule ni Glaiza na magsisimula na rin ng taping ng bago nitong teleserye sa GMA-7, si Kyline na nagti-taping ng Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa La­ngit at si Raphael na nagti-taping ng Love of My Life.

First produced movie raw ito ng GMA News & Public Affairs for GMA Films. Nagpoprodyus na rin ng TV series ang GMA News and Public Affairs. Sila ang producer ng bagong comedy series na Owe My Love o OML na majority sa cast ay mga komedyante sa pangunguna nina Nova Villa, AiAi delas Alas at Leo Martinez, kaya puno ito ng katatawanan.

Anyway, siguradong muling mabubuhay ang tsismis kina Miguel at Kyline ngayong pagtatambalin sila sa pelikula.

Parehong single sina Miguel at Kyline, tingnan natin kung ano ang mangyayari sa muli nilang pagsasama and this time, sa pelikula.

Dating ka-member sa 2NE1 ni Sandara, Viva artist na rin

Korean looking ang maganda at matangkad na babae na nakita namin sa Viva Entertainment office the other day. Later on, nalaman naming Korean talaga ang babaing nakita namin at siya ay si Minzy na member dati ng Korean all-female group na 2ne1 kung saan member si Sandara Park o mas kilala na ngayong si Dara Park.

Naka-post ang photo ni Minzy sa Instagram (IG) account ng Viva Artists Agency at ang caption ay “Look who’s our officer visitor of the day!”

Pero para sa fans ni Minzy, pipirma siya ng kontrata sa VAA, kaya nakiusap na alagaang mabuti si Minzy and more projects dito sa bansa. May nagpahatid ng “good luck” kay Minzy na hindi pa namin alam kung nandito pa o bumalik na ng Korea after namin siyang makita sa Viva office last Thursday, February 26.

Mikael at Megan hindi mahilig sa sosyalan

Ang simple ng life style ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young at napapansin ng followers ng dalawa sa socmed na hindi sila mahilig sa fine dining at mamaha­ling restaurants. Kahit sa mga trip nila sa ibang bansa, sa mga maliliit na resto at coffee shops sila kumakain at nagkakape.

Sa nakaraang 30th birthday ni Megan, wala rin silang big celebration at na-late pa nga si Mikael na i-greet ng happy birthday ang asawa. After Megan’s birthday na rin sila lumabas to celebrate, pero hindi sa restaurant , kundi sa Gubat Restaurant na nasa UP Campus na lagi nilang binabalikan.

Nakakamay ang mga kakain at ang food na Pinoy dishers ay nakalagay sa dahon.

Anyway, naaawa ang viewers ng Love of My Life sa role ni Mikael na hindi mahal ng ina niyang gina­gampanan ni Coney Reyes at ang mali lang ang nakikita.

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with