^

PSN Showbiz

‘Don’t use me Mocha’ – Lolit

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
�Don�t use me Mocha� � Lolit

Wow talagang inaabangan ang mga pangyayari sa kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. As in kahapon, tinutukan talaga ang Take It… Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu dahil ito nga ang pinag-usapan.

Pero ang bottomline talaga, since tapos na ang kasalan, na sana ay tanggapin na lang daw ni Mommy Divine ang lahat.

Lalo na nga at may mga nagdududang buntis na si Sarah.

Baka raw kung totoong buntis ito, baka maapektuhan pa ang baby.

Eh noon pa raw wedding day ni Sarah, kitang-kita raw sa mata nito ang sadness during the taping  ng The Voice Teens at alam mo raw na bothered si Sarah.

At ‘yun nga. Naikasal sila pero may nangyari namang ingay dahil nga nagpa-Tulfo pa ang substitute Kuya Guard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Si Daddy Delfin ni Sarah ay nanahimik dahil nga may endorsement sila at malamang na naka-stipulate sa kanilang contract na bawal ang ‘eskandalo.’

Anyway, pinag-usapan din sa programa si Mocha Uson na bumabanat ngayon sa ginanap na senate hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN, at ang pagkampi ng dating sexy singer sa mga ‘pinaglalaban’ ni Robin Padilla na hindi naman pala totoo.

“Don’t use me Mocha,” ang message ni Nay Lolit sa Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration.

Sinabi naman ng source ni Nay Cristy na never naging witness si Ms. Susan Roces sa diumano’y pambubuhos ni Coco Martin sa production staff habang natutulog ito.

Wala raw alam si Ms. Susan sa sinasabi ni Robin.

Saka so far, wala naman talagang nagre-reklamo against Coco Martin.

Anyway, last episode na for the month long first anniversary celebration ng Take It… ang masayang episode kahapon.

In all fairness, mas dumami na talaga ang regular viewers ng programa particular na ang mga kababayan nating nasa ibang bansa at ginawa na nila talagang stress reliever ang Take It…

Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode kahapon, maki-team replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and PSN Latest Chika.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with