^

PSN Showbiz

Lolit Solis at Cristy Fermin, humble pa rin!

Letty Celli - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napakasarap makinig ng Cristy Per Minute sa Radyo Cinco, lalo na ang mga blind item portions na may malalalim ng hugot. Iba talaga ang isang Cristy Fermin.

Sapul nang mag-start sa radyo hanggang sa ngayon, pareho na sila ni Lolit Solis ng katanyagan sa pagbabalita sa larangan ng showbiz, walang kakupas-kupas. At ang maganda nito, kahit na nasa ere sila ng pagbabalita, wala namang ere sa ulo.

Magkasama rin sila sa Take It…, Per Minute (Me Ganun).

‘Yung nakaraang topic ng Cristy Per Minute with a new partner, tungkol sa nangyari kay Megastar Sharon Cuneta na may kinalaman sa nagsanla ng mga alahas niya ang topic. Ang mga alahas niya na minana niya sa parents niya na kasing lalaki ng Christmas lights na kapag kinuwenta mo ay nagkakahalaga ng hundred million lang naman.

Legit rich po talaga si Madam Sharon Cuneta na ang erpat ay former Mayor ng Pasay City na si Pablo Cuneta.

Ang bahay ng mga Cuneta ay parang palasyo, at ang mommy naman ni Mega ay very friendly sa mga tao na si Mommy Elaine Cuneta. Hindi sila madamot, open house sila sa mahihirap na tao na humihingi ng tulong. Samantala, sino naman kaya yung blind item niya na very close raw kay Mega ang taong nanghiram sa kanya ng mga alahas dahil ipagagaya lang daw.

Ang hindi alam ni Mega ay isinanla ito sa halagang P20-M. Grabe! Sinira niya ang pagkakaibigan nila ni Mega dahil lang sa pangangailangan sa pera.

Sure kaming matagal na niyang pinagnanasaan ang alahas nito.

Tita Cristy, give ka ng clue, sinex ititz?

Pasasalamat…

Salamat kina Nitz Miralles, Boy Abunda, Linda Rapadas, Julie Bonifacio, Nora Calderon, Mother Ricky Reyes, Ricky F. Lo, Peping Cartanio, Ethel Ramos, and Ronald Constantino.

Walang katapusang pasasalamat ko sa inyong lahat na hindi nakakalimot sa pagtulong sa akin. God bess us all!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with