^

PSN Showbiz

Joanna Ampil nagpakasal din nung 02-20!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joanna Ampil nagpakasal din nung 02-20!
Joanna

Sa gitna nang mainit na isyung pinag-uusapang kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, halos nakasabay nilang tahimik ding nagpakasal ang magaling na aktres at singer na si Joanna Ampil.

After more than three years na relasyon nila ng kilalang production designer na si Faust Jose, nag-decide na rin silang magpakasal. Pero sa Vancouver, Canada nila ginawa dahil nandun ang pamilya ni Joanna.

Nabalitaan lang namin ito nang ipinost ng mana­ger ni Joanna na si Noel Ferrer ang kanilang wedding picture na kinu-congratulate silang dalawa.

Ipinost din ni Faust sa kanyang Instagram account ang wedding picture nila, na ang caption nito “I love you Joanna! 02/20/2020 (emoticon ng Canada flag).”

Nakikita lang naming madalas na kasama ni Joanna si Faust, dahil kilala naman siya sa showbiz at may mga kaibigan din siya.

Ilan nga sa mga kaibigan niya sa showbiz na bumati ay sina Carlo Aquino, G Toengi, Ayen Munji-Laurel at ang dating manager ni Joanna na si Girlie Rodis.

Matagal na rin pala nilang plinano ito, at nagpaalam nga raw si Joanna kay Noel na aalis muna siya dahil kailangan niyang ayusin ang green card niya.

Dapat ay tatanggapin pa niya ang kanyang Best Actress award sa GEMS Awards, pero hindi na kinaya sa schedule niya. 

Nag-Singapore pa siya kasama si Faust, at tumuloy na raw sila ng Vancouver, Canada na kung saan nandun ang pamilya niya.

Doon na sila nagpakasal na dinaluhan ng buong pamilya.

February 20, 2020 ang schedule doon na technically, kasabay ng kina Matteo at Sarah na magkaiba lang nga ng timezone.

Pagkatapos nito ay babalik na sila ng bansa dahil gagawin na ni Joanna ang series ng Call Me Tita sa iWant TV at may isang malaking proyekto pa raw siyang gagawin.

Nakakainggit na nagawa nina Mikael Daez at Megan Young, ngayon sina Joanna Ampil at Faust Jose ang magpakasal nang tahimik at may basbas ng buong pamilya.

Deserved naman nina Matteo at Sarah ang ganitong kasalan, lalo na kay Sarah dahil mabait naman ang Pop Princess lalo na sa kanyang pamilya na pinagsilbihan niya nang matagal na panahon.

Congratulations at best wishes kina Joanna at Faust, lalo na kina Matteo at Sarah!

Mahigit 40 years old na pala si Joanna, kaya ita-try daw nilang magka-baby pa kahit na sa scientific na paraan.

Sana nga makabuo pa sila, at ganundin sina Sarah at Matteo na wish din ng lahat na magkaroon sila agad ng baby, at huwag daw sana magpaka-‘Mommy Divine’ si Sarah sa kanilang magiging anak.

RK at Jane hitsurang may nakaraan

Ngayong gabi ang premiere night ng Us Again ng Regal Multimedia, Inc. na gaganapin sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Malaki ang tiwala ng Regal kina RK Bagatsing at Jane Oineza kaya nabibigyan sila ng magandang project ng Regal.

Puring-puri nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang dalawa dahil wala raw silang problema sa trabaho.

Very positive si Roselle dito sa Us Again dahil ang ganda raw ng pagkakadirek ni Joy Aquino.

Maganda nga ang trailer at sana mas maganda pagdating sa buong film.

May mga intimate scenes daw sila rito na may pagka-daring at natutuwa si direk Joy dahil walang arte raw ang dalawa.

Kumportable sila sa isa’t-isa ang buong akala nga nila ay may nakaraan silang dalawa. Kaya tinanong ko silang dalawa kung naging sila ba noon na kaagad naman nilang itinanggi. Hindi raw sila mag-ex. “Nagkaroon po kami ng chance na magkatrabaho for the first time sa Araw Gabi, and maganda yung experience na iyun kasi ang sobrang gaan niyang kasama. Pag nasa work kami, tawa lang nang tawa.

“Aside from work, we hanged up. So, masaya siyang kasama,” pahayag ni RK.

“Hindi po kami magka-ex,” natatawang sagot naman ni Jane.

Ayaw lang nilang idetalye kung gaano ba ka-daring ang love scenes nilang dalawa. Pero tingin daw nila pag-uusapan ito.

“Sa opening pa lang, pag-usapan yung love scene,” pakli ni RK.

Sa Miyerkules, February 26 na ang showing ng Us Again.

vuukle comment

JOANNA AMPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with