^

PSN Showbiz

Sikat na aktres gusto nang tumakas sa mga intriga!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sikat na aktres gusto nang tumakas sa mga intriga!
Myrtle

Meron palang malaking pelikulang binubuo ngayon ang isang malaking production outfit na pagbibidahan ng isa ring malaking artista, sikat na aktres.

Gusto na raw nitong aktres na dito na sa project na ito mag-focus, dahil napagod na rin siya sa mga matitinding isyung kinasangkutan niya.

Gusto na rin muna niyang magpahinga sa social media para hindi na lumaki ang mga intriga kaya sa mga natanguang pelikula na muna siya magfu-focus.

Inaayos lang daw ang script at kailangan pang makipag-meeting sa direktor. Kung matutuloy na ito, mahigit isang buwan daw siyang mawawala dahil sa ibang bansa kukunan ang naturang pelikula.

Baka sa Amsterdam daw ang shooting ng kabuuan ng pelikula.

Myrtle hindi pa sigurado sa Voltes V

Two years ago pa pala nagpa-audition si Myrtle Sarrosa sa GMA Artist Center, at nagustuhan naman siya. Pero nalamang existing pa ang kontrata niya sa ABS-CBN kaya hindi na muna siya tinanggap.

Last year ay sinubukan niya uling mag-audition, at naklaro namang tapos na ang kontrata niya sa Kapamilya network. “I really believed na ang puso ko para talaga sa GMA Network,” pakli niya nang tinanong kung bakit gusto na niya talagang maging Kapuso.

“I think meron talaga tayong mga path in life na nili-lead sa iyo ng universe, pero hindi mo naman talaga akalain, tapos bigla na lang na may mga people na darating sa buhay mo na mag-open talaga ng doors para sa iyo kasi dati ko pa siyang naiisip na paano kaya mag-explore ako ng other opportunities?

“Tapos nung naisip ko siya, bigla na lang may pinasok na tao si Lord na biglang nagsabi sa akin na naniniwala sa akin…sobrang tamang tao yung ipinakilala sa akin to get into GMA,” dagdag niyang pahayag.

Bago siya pumirma ay pinipigilan pa raw siya sa kabila, pero nakapag-decide na siyang ituloy ang paglipat.

“Nahihiya po ako na i-disclose yung details but of course bilang dun naman talaga ko nagsimula, siyempre ayaw naman nila ako umalis. Ako din mismo, utang na loob ko sa kanila kung sino si Myrtle Sarrosa, nung dating 2012 na nakilala nila ako na nag-audition from Iloilo to Bacolod, tapos nung binigyan nila ako ng iba’t ibang shows, siyempre kailangan ko naman talaga magpaalam nang maayos kaya ganun katagal yung pagpapaalam ko kasi ayokong…I don’t want to step on any toes, I don’t want to burn any bridges, ayokong makasakit ng feelings ng ibang tao. Kasi grabe rin yung love and care sa mga taong nakatrabaho ko for the past 8 years. So, I wanted to ask permission nicely sa kanila,” saad pa ng 25-anyos na aktres, cosplayer, host at singer/songwriter.

Nilinaw din niyang walang kinalaman ang pinagdaanan ng ABS-CBN ngayon kaya siya lumipat na ng GMA-7.

“Honestly po, hindi po siya naging factor. I was auditiong for this nung last year pa. Nagkataon lang talaga na

natagalan yung decision na ito to move because I really wanted to talk to everyone involved in my life na parang I had to ask their opinion,” seryoso niyang pahayag.

Wala pa silang sinasabi kung anong programa ang ibibigay kay Myrtle. Pawang guesting muna siya gaya ng sa Bubble Gang at ang isang special episode ng Tadhana. Nag-audition siya para sa Voltes V, pero hindi pa raw niya alam kung makakapasok siya. Ongoing pa nga ang audition para sa Voltes V at bukas nga, Lunes ay may audition din para sa role na Big Bert para sa mga kalalakihang edad 18 hanggang 20, hindi bababa sa 5’8” ang taas, at marunong mag-Martial Arts. Sa mga interesado, puwedeng magsadya sa GMA Annex Building ng alas-onse ng umaga.  

Aicelle isu-surprise ng asawa sa birthday?!

May pa-birthday pala ngayong araw ang All-Out Sundays kay Aicelle Santos, na bibirit ng mga Aretha Franklin songs.

Meron kayang pa-surprise sa kanya ang mister na si Mark Zambrano?

Pero bukod sa selebrasyong ito sa AOS, ngayon din ang shout-out party na kung saan kasama rin si Aicelle kina Christian Bautista, Mark Bautista at Alden Richards na kakanta suot ang statement shirts na may positibong mensahe sa mga manonood para pampa-good vibes.

 

               

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with