^

PSN Showbiz

Tanggap ang bagong-buhay Julia binura na si Joshua!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tanggap ang bagong-buhay Julia binura na si Joshua!

Tanggap na ni Julia Barretto ang bagong chapter ng kanyang career.

Wala nang loveteam. At iba na ang ka-partner.

Bibida siya ngayon sa iWant original series na I Am U with Tony Labrusca. “Siguro, graduate na ako sa kung saan ako nanggaling. Graduate na ako sa pagiging permanent in a love team. I’ve been blessed to have experienced that, don’t get me wrong, but I’ve already graduated from that phase in my career,” chika niya sa ginanap na media conference ng I Am U the other night.

“At this point, feeling ko I’m just very, very grateful that I’ve been trusted with projects that are not the usual that I’ve done before,” dagdag niya pang sagot.

“I’m glad na nakakapaglaro na ako, that I’m more free to do some scenes and some roles and take more risks, that I can now take roles fearlessly, that now I can be the actress that I’ve always wanted to be,” pahayag pa ng anak nina Marjorie Barretto and Dennis Padilla.

Haharapin nga ni Julia ang sunod-sunod na kamalasan at pagkamatay matapos niyang papasukin sa buhay niya ang isang babaeng kamukhang kamukha niya sa bagong iWant original series na mapapanood sa iWant simula Pebrero 26 (Miyerkules) na malayong-malayo nga naman sa mga pa-cutify roles na nagawa na niya before.

Tampok ang magkatulad sa itsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang-wala sa buhay.

Magtatagpo ang landas ng dalawa nang iligtas ni Rose ang buhay ni Elise.

Dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob, itutu­ring ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay--kasama na ang kanyang mga damit, bahay, pamilya, at mga kaibigan.

Dahil unti-unting magiging komportable si Rose sa bago niyang mundo, maiinggit si Elise at nanai-sing mawala ito sa kanyang landas.

Sa isang party na magbabago ng lahat, papaikutin ni Elise si Rose at papapasukin ito sa isang aparador habang naglalaro ng “Truth or Dare.” Ngunit habang nasa loob si Rose, magsisimula ang isang apoy, at maiiwan itong nakakulong.

 Pagtatakpan ni Elise at ng kanyang mga kaibigan ang nangyari at pipilitin itong kalimutan. Ngunit hahabulin sila ng kamatayan, at iisa-isahin sila.

 Ano ang koneksyon ng mga ito sa pagkamatay ni Rose? Sino na lang ang matitirang buhay?

Mula ito sa direksyon ni Dwein Ruedas Baltazar, ang direktor din ng iWant original series na Past, Present, Perfect? at Uncoupling, sa produksyon ng Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst Company. Tampok din sa cast nito sina Ina Raymundo, Richard Quan, Cedrick Juan, Kokoy De Santos, Adrianna So, Claire Ruiz, Lander Vera Perez, Yayo Aguila, Jenny Miller, at Tony.

So ano namang reaction niya nang malamang si Tony ang magiging leading man for the first time?

Pakiramdam niya raw ay marami silang magi-ging laplapan. “Hindi ba nanggaling siya ng Glorious? oh, so, madaming ganu’n?”

Ang Glorious na tinutukoy ni Julia ay ang digital movie ni Tony with Angel Aquino na May-December ang peg na intense and passionate ang mga lovescene. “Hindi kasi syempre, I heard of Tony kasi first du’n sa Glorious, so parang sa akin, bago ko pa siya na-meet, talagang ganu’n na ang path ni Tony na sexy, hot and steamy,” saad ni Julia.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with