^

PSN Showbiz

Ogie walang takot nag-renew ng contract, Regine sumama pa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie walang takot nag-renew ng contract, Regine sumama pa

Franchiserye mas tumindi ang usapan

Nag-renew ng contract with ABS-CBN ang si Ogie Alcasid kahapon. Sinamahan pa siya ng misis na si Regine Velasquez.

Aside from them, nag-sign din uli ng kontrata sa network na wala pang katiyakan ang kapalaran ng franchise after March 30, sina Carlo Aquino, JC De Vera, Karla Estrada, Melai Cantiveros-Francisco at Kit Thompson. 

Sakali ngang hindi ma-renew ang franchise ng giant network, inaasahang mag-o-off the air sila sa midnight ng March 30.

Ini-expect ding sa digital na lang sila magko-concentrate at magiging content provider na malamang daw ay sa TV5.

Hindi rin diumano apektado ang Star Cinema sa franchise expiration pag nagkataon so tuloy ang paggawa nila ng pelikula.

Nauna nang nai-chika ng isang ABS-CBN insider na walang planong ibenta ang network. May ilan daw offer na i-buy out ang shares ng Lopezes pero bargain ang offer kaya malabong mangyari ang bentahan.

Dj CHACHA gusto na lang gawing ‘bodyguard’ si Sen. Bato

Anyway, ang tapang ng preggy na si DJ Chacha ng MOR and DZMM. Hindi niya natiis ang mga sinabi ni Sen. Ronald Bato na “What is 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinamantalahan ng isang kompanya kung talagang ma-prove yan sa hearing? What is 11,000 compared to the whole Filipino nation?,” nang tanungin ang senador kung anong masasabi niya sa mga mawawalan ng trabaho if ever. “I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” tweet ni DJ Chacha.

“Naniniwala akong mas mahal ni Bato ang Pa­ngulo kaysa sa asawa niya. Nangako pa hanggang kamatayan! Taray! IBA. #itopoangbinotoniyo,” tweet pa ng radio discs jockey na hindi uli pina­lampas ng senador. “Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang nya ay magchacha. Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long?” buwelta ng senador sa radio personality na co-host din ni Ted Failon sa Failon Ngayon na napapakinggan sa DZMM.

Dagdag pa ng senador sa mga bumibirang sa presidente naman pala ang loyalty niya at wala sa mga Pilipino: “Sabi nila, dapat loyal ako sa Filipino people, hindi sa isang tao na pangulo. Sino ba ang pangulo natin? He represents the Filipino people. Loyal ako sa kanya kasi he is loyal to the Filipino people. Ganun ang logic sa aking loyalty.”

Tuloy nga ang ‘franchiserye’ ng ABS-CBN na naka-schedule na sa Lunes ang hearing sa Senate Committee on Public Services.

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with