^

PSN Showbiz

Lani sumagot sa reklamong ginawa niyang reclamation sa Cavite!

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lani sumagot sa reklamong ginawa niyang reclamation sa Cavite!
Lani

Pinabulaanan ng Bacoor Mayor Lani Mercado ang lumabas na balitang kakasuhan siya sa Ombudsman dahil sa ginawa niyang reclamation sa Bacoor para mapatayuan ito ng isang establisyimento.

Una, sabi ni Mayor Lani wala namang nangyaring reclamation sa Bacoor.

Lumang isyu na raw iyun na wala namang napatunayan.

Ayaw na nga sana niyang sagutin pa ito, dahil wala naman siyang natanggap na complaint mula sa Ombudsman.

Bahagi ng statement na ipinadala ng alcalde ng Bacoor; “The LGU is religiously following the letter of the law so that the Bacoor Reclamation Project may push through in the future. The City government’s proposed reclamation projects are still in the stage of securing our clearances from DENR and permits from PRA. Sumusunod ang LGU sa batas at hindi ko kailanman ilalagay sa alanganin ang buhay at kabuhayan ng aking mga kababayang Bacooreño.

 “This will be the last I will address these allegations outside of the proper forum. Aantayin ko nalang ang kopya ng Complaint kung totoong mayroon, at kumpiyansa akong sa ating pagtugon ay malilinawan ang mga kinauukulan tungkol dito,” dagdag pa niya.

Sen. Bong at Sheryl,27 years bago nagkasama uli

Nung nakaraang Linggo naman nagsimulang mag-taping ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla na kinunan sa Antipolo.

Sa totoo lang, pinakamalapit na itong Antipolo na location dahil marami silang mga kukunang gubat, bilang tumatalakay ito sa pagbibigay halaga sa ating kalikasan.Tuwang-tuwa si Sen. Bong dahil kasama niya pala rito si Sheryl Cruz na gumaganap na asawa niya na naka-partner niya sa pelikulang Adan Ronquillo nung taong 1993. Isa ito sa pinakamalakas na pelikulang prinodyus ng Star Cinema at Regal Films.

Na-excite din daw si Sheryl dahil after Adan Ronquillo, dun na lang sila uli nagkasama ni Sen. Bong.

Gladys ka-join sa biopic ni Mother Lily

Ngayong araw ang launching ng bagong negosyo ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes na Sommereux Catering.

Maganda ang resulta ng restaurant nilang Estela sa Cainta, Rizal kaya nakumbinse silang subukan ang catering.

Si Christopher ang magma-manage nito dahil na rin sa alam niya sa French cuisine, pero may oriental touch.

Excited si Gladys na ipatikim sa amin ang mga specialty nilang dish sa launching nito ngayong hapon na gaganapin sa Valencia Events Place. Suportado si Gladys ng mga close friends niya sa showbiz, pati na rin sa pulitika.

Nag-commit daw si Sen. Imee Marcos na dadalo.

Pati nga ang bestfriend niyang si Judy Ann Santos ay suportado rin ang kanyang food business, dahil ito rin ang pinasok ng Kapamilya actress.Nasa look test lang daw si Judy Ann ng biopic ni Mother Lily Monteverde kaya hindi raw ito sure kung makakadalo sa launching ngayong araw. Dinig namin, kasali rin si Gladys sa pelikula ni Mother Lily na pagbibidahan ni Judy Ann.

Malaking challenge raw sa kanya ang role na ibibigay sa kanya. Ayaw lang niyang sabihin kung sino ito.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with