^

PSN Showbiz

Robin inaalam ang mga kumakampi sa ‘kalaban’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Robin inaalam ang mga kumakampi sa �kalaban�
Cassy

Ang tweet ni Ethel Espiritu, ang bossing ng ABS-CBN na nakasagutan online ni Robin Padilla tungkol sa franchise renewal issue ng network, na dumami ang followers niya sa Twitter after niyang sagutin si Robin.

New followers with 0 followers, o nagpapanggap na may picture, pero 0 followers pa rin. Obvious na gusto lang siyang i-bash at pinasalamatan pa rin nito ang mga nag-follow just to bash her.

Nilinaw ni Ethel na hindi siya pa-hero at hindi rin siya nag-expect ng all good feedback, nakaka-challenge raw ang comments ng bashers niya. “Lastly, I have many supportive and concerned family and super friends here and abroad, friends from and outside abscbn, industry friends and mga artista who called and messaged me. Pati messages of support here, I read it all. Thank you. Have a great week ahead, Twitter Universe!,” tweet ni Ms.Ethel.

Naku, alamin kaya ni Robin kung sinong mga artista ang tumawag at nag-message kay Ethel at banggitin din sila sa mga susunod niyang post? Sa nabanggit ni Ethel na mga artistang tumatawag sa kanya, patunay ito na hindi lahat ay kampi kay Robin.

Rocco may pangakong tour sa bahay

Nakakatuwa si Rocco Nacino, hindi nakalimutan ang pangako na dadalhin ang mga reporter kapag natapos ang ipinapatayong bahay sa may Antipolo. In fact, sa mediacon ng Descendants of the Sun, siya ang nagpaalala sa grupo namin sa kanyang pangako na dadalhin kami sa bahay niya para ipakita ang katas ng kanyang pinaghirapan sa showbiz. Ipinangako ni Rocco ‘yun, hindi pa man nagsisimula ang constructions ng kanilang bahay.

Ang plano ni Rocco, batch by batch ang pag-iimbita niya sa entertainment press at bloggers. Ang hirap nga naman kung marami siyang iimbitahan, baka hindi maging maayos ang pagtu-tour sa kanilang bahay.

Upon checking Rocco’s IG, tapos na ang Master’s bedroom at pinupuno na niya ng gamit ang magiging bedroom niya. Sa sunod niyang post, ang game room-cum theater room ng bahay ang ini-imagine kung saan ilalagay ang mga gamit na gusto niya.

Maganda ang location ng bahay ni Rocco sa may Antipolo dahil maraming puno at hindi dikit-dikit ang bahay. Ang nakaganda pa, puro salamin ang magiging bedroom niya  at sabi nga nito, masarap gumising sa umaga ‘pag magandang view agad ang makikita.

Anyway, kinakikiligan ang tambalan nina Rocco at Jasmine Curtis-Smith sa DOTS at kung wala lang silang GF at BF, sini-ship na ang dalawa at ili-link na ng fans. Kaso, may Melissa Gohing na si Rocco at si Jasmine may Jeff Ortega na.

Cassy kinikilig sa serye nina Marian at Gabby

Ang post ni Cassy Legaspi na “blessed to be a part of this project: my first Teleserye. My heart is too kilig for this!”

Ang tinutukoy na teleserye ni Cassy ay ang First Yaya na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera kung saan gagampanan niya ang eldest daughter ni Gabby.

Malaking project nga ito at may rasong kiligin si Cassy. Hindi lang sina Gabby at Marian ang makakatrabaho ni Cassy, pati sina Sandy Andolong at Pilar Pilapil plus Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda at si Baste na gaganap na kanyang kapatid at isa pang child actress.

Magiging tatlo na ang shows ni Cassy ‘pag airing na ang First Yaya dahil nasa All-Out Sundays at Sarap ‘Di Ba? rin siya.

vuukle comment

CASSY LEGASPI

ETHEL ESPIRITU

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with