^

PSN Showbiz

Ogie at Regine nabiktima ng abusadong netizens

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ogie at Regine nabiktima ng abusadong netizens
Ogie at Regine

Kung minsan talaga abusado na ang mga gumagamit ng social media. Para bang may karapatan sila talagang manira ng kanilang kapwa. Parang wala silang responsibilidad sa mga sinasabi nila. Kasi nga kahit na sino makagagawa ng sarili niyang account. At hindi lang iyan, marami ang gumagawa ng maraming alternative accounts na siya nilang ginagamit sa hindi magandang gawain nila.

Particularly gusto naming tukuyin iyong nagkalat sa kanyang account na malas daw ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Parang sinisisi niya ang dalawa sa pagkakasibak sa mga dating show na sinalihan nila. At ngayon sinasabing nang lumipat sila sa ABS-CBN, nanganganib namang magsara ang network. Kaya daw sinasabi nila ang mag-asawa ang malas.

Napaka-unfair ng ganyang statement. Una bakit sina Ogie at Regine ang sisisihin kung nasara man ang mga dati nilang show  noong araw, bakit sila lang ba ang artista sa mga show na iyon? Sinasabi bang sila lang ang dapat na magdala ng show? Ang isang show, collective effort iyan. Lahat nagtutulungan. Minsan ang problema wala sa artista kundi nasa creative. Minsan nasa programming din dahil maganda man ang show nalalagay naman sa hindi magandang time slot. Kaya napaka-unfair na sabihin mong malas ang isang artista dahil nasara ang kanyang show.

At bakit naman ang paglipat nila sa ABS-CBN ang sisisihin kung bakit nalalagay sa balag ng alanganin ang network? Kahit na sino pa ang nariyan, talagang mag-e-expire na ang franchise ng network. Alam naman ng lahat iyan. Nagkataong nagkaroon ng problema, hindi mai-schedule ng mga kongresistang nag-file ng extention bill sa house ang kanilang panukalang batas para mapag-usapan. Sinasabing sa House din kasi maraming oppositors ang extention. Bakit sina Ogie at Regine ang sisisihin?

Huwag naman kayong ganyan. Wala namang ginagawang masama sa inyo ang mag-asawa sasabihan ninyo nang malas.

Liz-Quen nangabog

Hindi rin naka-abante ang isang seryeng base sa isang Korean series sa ra­tings kalaban nina Liza Soberano at Enrique Gil. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na ang Korean adaptation ay tinambakan ng lahat halos ng mga malalaking artista ng kanilang network. Ayaw naming sisihin ang mga artista. Ayaw na­ming sabihin na ang lahat ng artista sa kabila ay sapal sa Liz-Quen.

Ang sinasabi naming punto, hindi lahat ng gagayahin ninyo sa mga Koreano ay magiging hit. Hindi dahil sa nangyari sa pelikula ni Aga Muhlach na naging top grosser, iisipin na ninyong basta ginaya sa mga Koreano tiyak na magugustuhan ng publiko. Ngayon lumabas na ang totoo.

Aktor na hindi inalagaan ang suwerte, pumapatol na sa ka-cheapan na sideline

Akala ko lately dahil masama na nga ang kalagayan ng kanyang popularidad ay mananahimik na sa kanyang buhay at magpapakatino na ang isang aktor. Dahil wala na rin halos kayod ang girlfriend niya na dati ay siyang nagsusustento sa lahat ng kanyang luho at bisyo, lalo daw naging palasak ang hindi magandang sideline ni male star. Nadagdagan ang mga lugar ng kanyang istambayan at sinasabi ngang minsan kahit na sa “compromise rate” pumapatol na siya dahil kailangan niya ng pera.

Sayang na sayang ang batang iyan. Kung hindi lang nalubog sa bisyo at masyado pang lumaki ang ulo, hindi niya dapat sinapit ang kalagayan niya ngayon. Iyang suwerte kasi basta dumating na, kailangang pangalagaan. Huwag sasayangin.

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with