^

PSN Showbiz

Female personality naginawa na ang lahat sa pamilya, gustong pigilan ang kaligayahan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

 


Kung pagiging mabait at masunuring anak ang magiging argumento ay walang tatalo sa isang pamosong female personality na habampanahong nagtrabaho para sa kanilang pamilya.

Ibang klase ang kanyang ginawa para sa mga taong mahal na mahal niya, nagsakripisyo siya nang tunay, na pati ang kanyang personal na kaligayahan ay isinantabi lang muna niya.

Siya ang naging paboritong paksa sa isang umpukan ng mga taga-showbiz, nasaksihan din kasi nila ang payak na pagsisimula ng female perso­nality, hanggang sa sumikat na siya.

Throwback kuwento ng isang source sa umpukan, “Nu’ng nagsisimula pa lang siya, e, nakikita ko siyang nakaupo lang sa isang tabi, naghihintay sa pagsalang niya.

 “Kumakain siya ng nilagang saging na saba. Halatadong baon niya ‘yun, dahil nakalagay ang nilagang saging sa isang baunan na gina­gamit niya sa taping at shooting.

 “Napakasimpleng bata, pero napakagaling! Alam mo agad kahit nu’ng nag-uumpisa pa lang siya na meron siyang mararating,” kuwento ng aming impormante.

May kuwento ring alam ang isa pang source, tungkol naman ‘yun sa pagiging sobrang matipid ng mommy niya, kaya maraming pumipintas sa mga isinusuot niya sa mga live shows.

Sabi ng source, “May budget naman ang production para sa mga isusuot na gown ng mga stars nila, pero dahil sa sobrang tipid nga ng mommy niya, e, kung anu-anong fabric na lang ang binibili para sa kanya.

 “Ayun, madalas tuloy siyang pansinin ng mga mano­nood, mga kukurtinahin daw ang mga telang ginagamit niya. Walang kasalanan du’n ang girl, ang mommy niya ang bumibili ng tela!

 “Hanggang sa para maiwasan na ang mga ganu’ng pagpansin sa kanya, e, ang production na mismo ang namahala sa mga isinusuot niya!

 “Nakakaloka ang batang ‘yun, sobrang bait! Wala siyang iniisip kundi ang magandang buhay na maibibigay niya sa pamilya niya!

 “Kaya ngayong gusto nang magkaroon ng sariling buhay ng girl, sana naman, e, huwag na siyang pigilan pa ng family niya!

 “Nagawa na niya ang lahat, may kulang pa ba sa kaginhawahang naibigay niya sa family nila? Sana naman, pabayaan na nilang lumigaya ‘yung girl na parang kalabaw na isiningkaw nila nu’n sa bukid para magtrabaho lang nang magtrabaho!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kaya tsinitsismiS Robin inggit kay Coco?!

Nakakatakot ang bibig ni Robin Padilla! ‘Yung mga kuwentong pabulong lang na pinag-uusapan nu’n sa mundo ng telebisyon ay pinapangalanan niya na ngayon.

At ang kanyang napagtripang punahin, si Coco Martin, na pinagsabihan niya sa nagkomento sa kanyang mga sinasabi ngayon na huwag nangbubuhos ng tubig sa inaantok at pagod na pagod nang crew ng Ang Probinsyano.

Aysus, napakatagal nang pinagkukuwentuhan ang senaryong ‘yun pero sa pabulong na paraan lang, kahit nga ang mga manunulat ay idinadaan lang ang kuwentong ‘yun sa pa-blind item.

Pero heto ngayon si Robin Padilla, talagang buong-ningning niyang pinangalanan si Coco Martin, pati ang pakikipagtalo ng action star sa babaeng location manager ng kanyang serye ay inilantad ni Robin!

Siyempre’y hindi naging maganda sa panlasa ng mas nakararami ang kanyang mga rebelasyon, lumalabas na matindi ang inggit niya kay Coco, dahil sikat na sikat ito ngayon samantalang siya ay nilipasan na ng panahon ang ningning at bituin.

Walang maaasahang pagkampi si Robin sa mga pinagsasasabi niya ngayon, parang lumalabas kasi na inililigaw niya ang isyu, kung anu-anong kuwento ang hinahabi niya sa social media samantalang ang tunay na usapin ay ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Tanong ng mga kababayan natin, wala man lang bang magawa si Mariel Rodriguez para kahit paano’y mapag­payuhan ang kanyang mister na huwag ginaganyan ang mga kapwa nila artista, wala na bang pinakikinggan ngayon si Robin?

Lumalalim ang mga sugat na ginagawa ngayon ni Robin Padilla laban sa kanyang mga kapwa personalidad. Sa kanyang pagtalakay sa usapin ay marami siyang sinasaktan.

Nakakalungkot.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with