Kim ‘nahiya’ sa higanteng bouquet ni Xian
Hiiganteng flower arrangement ang panggulat ni Xian Lim sa girlfriend na si Kim Chiu sa taping nila ng Love Thy Woman kahapon.
Base sa video na ini-upload ng co-star nilang si Yam Concepcion, nahihiya-hiya pa si Kim sa pa-bouquet ni Xian na sobrang laki.
Pero pinaka-winner si Ethel Booba na nanganak kahapon ng baby nila ng non showbiz partner niyang chef na si Jessie Salazar.
Actually, kanya-kanyang paandar sa social media ang celebrities kahapon ng kanilang natanggap na bulaklak na alam mong gusto lang naman talagang magpapansin.
- Latest