^

PSN Showbiz

Eula nag-ala Jaclyn Jose nang sugurin ang BF na nangaliwa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Eula nag-ala Jaclyn Jose nang sugurin ang BF na nangaliwa!

Naranasan umano ni Eula Valdez na nangaliwa ang kanyang karelasyon tatlong taon na ang nakalilipas. Ayon sa aktres ay talagang isang matin­ding pagsubok ang kanyang pinagdaanan noon. “Actually noong nalaman kong nakabuntis siya, ang una kong sinabi, ‘Paano ka naman nakasigurong sa ‘yo?’ Eh itong si boylet ay gustung-gusto nang magkaanak,” nakangi­ting bungad ni Eula.

Nagpunta sa ibang bansa ang nobyo ng aktres noon kasama ang babaeng hinihinalang nabuntis nito. Sa pamamagitan ng social media ay agad naman daw natukoy ni Eula kung saan nagtungo ang dalawa. “Nag-book ako ng flight, pumunta ako doon. Sa kakaisip niya sa akin, akala daw niya guni-guni niya ako no’ng nagkita kami, tapos umiyak siya. Kinausap ko si girly, ang peg ko Jaclyn Jose, monotone,” pagbabahagi niya.

Nakumpirmang hindi ang nobyo ang nakabuntis sa babae at napatawad din ni Eula ang kasintahan sa mga nangyari. Para kay Eula ay mayroon din siyang pagkukulang sa kasintahan noon. “Mayroon din naman akong kasalanan. Kasi na-neglect ko siya kasi sobra akong magtrabaho. Ang sa akin lang, dahil lang ‘yung gut feel na niloloko ka, okay niloko mo ako, pero dahil mabait ka naman sa akin, kaya kong himayin ‘yan eh. Okay naging mabait kang tao, ang naging kasalanan mo, ito. Eh hindi rin naman ako papayag na lokohin ka ng babaeng ‘to,” paliwanag ng aktres.

Joshua masaya para kina Janella at Markus

Malapit nang simulan ang shooting ng pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na pagbibidahan ni Jo­shua Garcia. Ang beterenang aktres na si Angie Ferro ang gaganap bilang si Mama Susan. Isang mala­king karangalan umano para kay Joshua na makatrabaho ang isang artistang limang dekada nang nanatili sa industriya. “Naririnig ko na siya dati pa na magaling talaga siyang artista. Pero no’ng nakita ko siya sa storycon lalo akong humanga sa kanya. Kasi di ba, sa edad niya nagtatrabaho pa rin siya. Wala lang, sobra lang akong bumilib,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Excited na ang aktor sa mga bagong makakasama sa trabaho para sa naturang horror film. “Oo naman, ‘yon ang masarap kapag mga bagong project, may bago ka ring nakakatrabaho at nagiging kaibigan,” dagdag pa niya.

Isang action project din ang pinaghahandaang gawin ngayon ni Joshua na mapapanood naman sa iWant. Masayang-masaya ang aktor dahil iba-ibang tema ang kanyang nagagawang proyekto. “Kung ano kasi ‘yung pumapasok na project tanggap lang nang tanggap. Nagi­ging happy lang ako kasi siyempre iba’t ibang genre ‘yung nabibigay sa akin. At least nagagawa ko lahat, nagiging flexible ako as an actor,” paglalahad ng binata.

Matatandaang si Julia Barretto ang huling naging ka­sintahan ng aktor at ngayon ay walang karelasyon. Paraan kaya ni Joshua ang pagtanggap ng kabi-kabilang proyekto upang makalimutan muna ang lovelife? “Mas okay ‘yung maraming work kasi hindi ka magugutom. At saka mas okay ‘yung may ginagawa ka kaysa wala kang ginagawa. Parang ‘pag artista, mas okay na pinagkakaguluhan ka kaysa hindi ka pinagkakaguluhan. Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita nang tapos, alam mo naman ako, marupok. Ayoko namang magsalita ng tapos na, ‘Hindi, focus muna ako sa career.’ Kasi siyempre hindi mo masabi ‘yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin,” makahulugang sagot ng aktor.

Patuloy na nauugnay si Joshua kay Janella Salvador ngayon. Huling nagkatambal ang dalawa sa teleseryeng The Killer Bride at bago nagtapos ang programa ay napabalitang nagkakamabutihan na diumano ang dalawa. “Happy naman ako kung anong meron sila (ni Markus Paterson). And happy rin naman ako kung anong meron kami ni Janella. At least ‘yung sa amin, ‘yung friendship namin forever ‘yon,” giit ni Joshua.

(Reports from JCC)

vuukle comment

EULA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with