^

PSN Showbiz

John, nakita ang Imahe ni Kristo kay Fr. Suarez

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John, nakita ang Imahe ni Kristo kay Fr. Suarez
John

Si John Arcilla ang napiling gumanap bilang si Fr. Fernando Suarez ng direktor na si Joven Tan para sa pelikulang Suarez: The Healing Priest.
Pumanaw noong February 4 ang pari dahil inatake sa puso. Nagdalawang-isip pa umano si John na tanggapin ang naturang bio flick dahil naging kontrobersyal noon ang nakilalang The Healing Priest.

“Actually mas naging problema ko noon ay ‘yung controversy. Sabi ko, ayokong gawin ang pelikula para maging tagapag-promote lang ako ng mga bagay na hindi totoo. So kailangan kong alamin. Hindi ko ito sinabi kay Father noon. So sabi ko, I really have to meet him para makausap ko siya kasi may controversy nga eh. No’ng nakausap ko si Father, nakita ko ‘yung sincerity. Naramdaman ko na ‘yung allegation ay allegation lang talaga. So ‘yon ‘yung nagbigay sa akin ng desisyon para tanggapin ito. So hindi ako magiging tagapagsalita lang niya kung di ako ay gagawa ng isang kwento na makatotohanan at talagang makabuluhan at hindi pantakip sa kung ano man. Kasi kung gano’n, hindi ko tatanggapin,” makahulugang paliwanag ni John.

Para kay John ay isang healing experience din ang ipinamalas sa kanya minsan ng yumaong pari. “Sabi ko, ‘Father heal me.’ Yumuko ako tapos hinawakan niya ‘yung batok ko. Ang nakita ko image ni Christ na kulay blue lang siya, ‘yung face lang ha. Tapos tumingin ako sa kanya, nag-smile lang ako, totoo. Hindi ko alam kung anong na-heal sa akin dahil wala naman akong ailment, wala akong sakit pero the fact na nakita ko ‘yung image, I’m sure psychologically or emotionally something happened to me,” pagtatapos ng aktor.

Joseph, isang taon na ang relasyon sa Beauty Queen

Muling makakatrabaho ni Joseph Marco sina Nathalie Hart at Ryza Cenon para sa pelikulang Kunwari Mahal Kita ng Viva Films.

Matatandaang nakatambal ng aktor sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya si Ryza at nakatrabaho naman ni Joseph si Nathalie sa pelikulang Rebound Girl. “Pareho na akong kumportable sa dalawa. wala na akong adjustment na kailangang gawin. What we need to do na lang siguro ay pagandahin ‘yung pelikula at i-portray nang maayos ang bawat role namin,” nakangiting pahayag ni Joseph.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa ang aktor ng love scenes sa isang pelikula kaya dapat itong pakaabangan ng mga manonood. “Actually ito ‘yung first movie ko na gagawin ko na may love scene. I guess it’s something new and open naman ako to do whatever as long as pasok sa story,” giit niya.

Samantala, mag-iisang taon nang karelasyon ni Joseph ang beauty queen na si Celeste Cortesi. Ayon sa binata ay sinusuportahan nila pareho ng Miss Philippines Earth 2018 ang hilig ng bawat isa.

“Okay naman kami, we’re happy. Ten months na rin kami. Ang dami pa naming gustong gawin. Right now I’m studying Filmmaking kasi gusto ko ring pasukin ‘yung behind the camera. Siguro do’n sa pagdidirek papunta, siguro one day, but for now I want to be involved muna with everything like sa production and stuff behind the camera. My girlfriend naman is planning to join Miss Universe Philippines in 2021. “Parang ‘di pa kasi siya masyadong ready and she thinks she needs to prepare kasi nga ‘yung pageant like that it’s so big. Hindi mo puwedeng madaliin, kailangan talagang paghandaan and she wants to be ready. I’m very supportive naman sa kanya. Kung ano ‘yung kailangan niyang gawin. I’m just there to support her and to understand everything,” pagbabahagi ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with