^

PSN Showbiz

Ronnie ‘di kayang makipaghiwalay kay Loisa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ronnie �di kayang makipaghiwalay kay Loisa

Malalaman na ang kapalaran sa takilya nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Donny Pangilinan sa handog na pelikula ng Star Cinema ngayong Valentine’s na  James and Pat and Dave.

Iikot ang istor­ya ng pelikula sa karakter ni Ronnie na si James, na matatandaang hindi pinili ni Kath sa 2016 hit film na  Vince and Kath and James. Ngayon, mapapasama na naman siya sa isang love triangle dahil magpapanggap siyang boyfriend ni Pat (Loisa), na gustong pagselosin ang ex-boyfriend nitong si Dave (Donny).

 Ayon kay Direk Theodore Boborol, na siya ring direktor ng Vince and Kath and James, gusto nilang ipakita sa pelikula kung ano ang nangyayari sa taong hindi pinili ng mahal nila.

“Di ba usually ‘pag romcom may isang taong hindi napipili, so sabi namin, napaka-relatable. Ano ‘yung story nila, wala ba silang happily ever after? So parang sa amin, sobrang relatable niyan, kasi at one point in our lives, tayo rin hindi rin tayo napili eh,” paliwanag niya.

 Ayon naman sa mga aktor, ‘dream come true’ ang bumida sa sarili nilang pelikula. “Siyempre ang tagal naming hinintay ‘to, sobrang na-excite kami. Kumbaga 2020 panibagong pinto, panibagong buhay, so talagang nung binigay sa’min ‘to hindi kami nagdalawang-isip,” sabi ni Ronnie na umamin sa interview ni tito Boy Abunda na hindi niya kayang mabuhay na wala si Loisa lalo na nang mapabalitang nag-split na sila “Bumalik sa utak ko, ‘Oo nga no. Hindi ako sanay nang wala siya sa tabi ko lagi, hindi na ako sanay nang wala siya. Ngayon tanggap ko na “Tanggap ko na. Wala man mapunta sa akin eh maibigay ko lang iyong pagmamahal na gusto niya huwag niya lang akong iwan at gagawin ko ang lahat.” 

  Anyway, going back to the movie, sinabi naman ni Loisa na : “Ngayon, meron kaming pelikulang ipapalabas kaya sobrang sarap po sa puso napansin po kami. Pangarap ko po ‘to nung bata ako, ‘yung mapanood ko ‘yung sarili ko sa malaking sinehan at sobrang excited po ako.”

 Dagdag naman ni Donny, “Yung environment namin sa set, so light. Ang saya lang kasi finally, we get to show this movie to you guys and I’m just very thankful and blessed.”

 Isinulat ni Daisy Cayanan ang James and Pat and Dave, kung saan tampok din sina Awra Briguela at CJ Salonga.

vuukle comment

DONNY PANGILINAN

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with