^

PSN Showbiz

Mudra ng singer/actress pahirap sa wedding coordinators ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Usap-usapan ngayon kahit saan ang ginagawang pagpapahirap ng ina ng isang sikat at magaling na singer-actress sa paghahanda sa paglagay nila sa tahimik ng kanyang karelasyong kilalang aktor.

Lahat ng pagkontra ay balitang ginagawa ng mommy ng sikat na female personality, nagrereklamo na nga raw ang mga wedding planners nila, dahil sa ginagawa ng biyenang hilaw ng aktor.

Kuwento ng aming source, “Lahat, ginagawa ni mommy para lang iparam­dam na kontra talaga siya sa pagpapakasal ng anak niya! Ayaw niyang magpasukat ng gown, binibigyan niya ng problema ang mga wedding planner, wala pa raw siyang oras para sa pagpapasukat!

“Alangan namang hindi siya sukatan, e, siya ang mommy ng bride! Talagang tamad-tamaran ang peg ni mommy, pinahihirapan niya ang buong team!” unang sultada ng aming impormante.

Maging sa AVP presentation ay pinahihirapan ng ina ng singer-actress ang mga namamahala. Kailangang hingan ng video message ang lahat ng mga importanteng tao sa buhay ng mga ikakasal, nagbigay naman ng oras ang lahat, puwera lang kay mudra.

“Kesyo hindi na raw uso ngayon ang mga video-video, kesyo wala pa raw siyang time para sa pagpapaayos, alangan daw namang humarap siya sa mga camera na parang nasa bahay lang siya?

“Kakain daw ‘yun ng oras, magpupunta pa siya sa parlor para magpaayos, e, napaka-busy raw niya sa mga negosyo nila! Puro dahilan talaga ang ibinibigay niya!” madiin pang kuwento ng aming source.

Hiyang-hiya na nga raw ang sikat na singer-actress sa mga kuwentong nakararating sa kanya, puro panghihingi na lang ng dispensa sa grupo ang kanyang nagagawa, dahil sa mga ginagawa ng mommy niya.

Sabi uli ng aming impormante, “Kontrang-kontra kasi si mommy sa wedding ng anak niya na gagawin sa ibang bansa. Bakit daw kailangang du’n pa gawin ang kasal, e, mga Pinoy namang pareho ang haharap sa altar?

“Kaya talagang nahihirapan ang mga wedding planners sa mga ginagawa ni mommy, kontra siya nang kontra, ayaw niyang makisama!

“Pahirapan ba ang anak niya sa isang mahalagang okasyon? Ano na lang ba naman ang time na magagamit niya sa video message, sa pagpapasukat ng gown niya, maghapon ba naman niyang gagawin ‘yun?

“Nakakaawa ang girl, napakabait pa naman ng anak niya, sobrang puro sila ang unang iniisip. Tumatanda na ang anak niya, konting panahon na lang at baka hindi na magkaanak!

“May mga kulang pa ba sa nagawa na ng girl para sa kanilang pamilya? Forever is not enough ba talaga?” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pilita parang walang bitbit na kontrobersiya 

Panalo na naman ang concert ng The OPM Hitmen sa Music Museum nu’ng Biyernes nang gabi. Wala pa ring kakupas-kupas ang grupong binubuo nina Richard Reynoso, Renz Verano, Rannie Raymundo at Chad Borja.

Du’n panalo ang nagpoprodyus ng kanilang concert, hindi paulit-ulit lang ang ipinakikita nilang performance, masipag silang magbuo ng mga bagong production numbers.

Hindi puwedeng sabihin sa The OPM Hitmen ang litanyang kapag napanood mo ang isa nilang show ay parang napanood mo na rin ang lahat ng mga kasunod pa dahil bago nang bago ang kanilang ihinahandog sa audience.

Sina Ms. Eva Eugenio at Ms. Pilita Corrales ang special guests, walang kaalam-alam ang Asia’s Queen Of Songs sa mga matutulis na salitang ipinukol laban sa kanya ni Lotlot de Leon, pero tumawag sa kanya si Tita Anabelle Rama bago magsimula ang show.

‘Yun na! Natural lang na naibalita ni Tita Anabelle ang senaryo kay Tita Pilita, matagal silang nag-usap sa telepono, na ikinabahala ng kanyang secretary.

Pero napakapropesyonal ng Asia’s Queen Of Songs, nang pumagitna na siya sa stage ay parang wala siyang bitbit na anumang kontrobersiya, kumanta-nagpatawa pa nga siya.

Wala pa ring kupas ang Pilita Corrales! Sa edad niya ngayon na ang kanyang mga kaedad ay palagi na lang na nakaupo sa silyang tumba-tumba ay buung-buo pa rin ang kanyang boses.

Kumakanta pa rin siya nang paliyad-liyad na tatak na niya, seksing-sexy pa rin siya, tumanda na may pinagkatandaan ang Asia’s Queen Of Songs!

Sabi nga ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas na nanood kasama ang kanyang pilotong mister na si Gerald Sibayan, “Si Tita Pilita ang dahilan ng pagpunta ko rito. Gusto ko siyang mapanood.

“Dati ko nang napapanood si Eva at ang The OPM Hitmen, curious ako kay Tita Pilita, at her age, ha, nandito pa rin siya!”

vuukle comment

AKTOR

EVA EUGENIO

PILITA CORRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with