^

PSN Showbiz

Ginagaya raw ang style ni Vice Karla pinagsisigawan na may bad breath si Melai, fans naiinis na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ginagaya raw ang style ni Vice Karla pinagsisigawan na may bad breath si Melai, fans naiinis na

Uy ang dami palang reklamo ng viewers ng Magandang Buhay kay Karla Estrada.

Pero pinaka-winner ang reklamo nilang lagi nitong sinusupalpal ang co-host na si Melai Cantiveros at ang the height sinasabi pa raw ni Karla na may bad breath si momshie Melai na feeling ng ibang nanonood ay foul at too much na.

Inaakusahan pa ng pagiging narcissistic si Karla na gustung-gusto raw magbigay ng advice kahit hindi naman tama ang mga sinasabi “and she likes to dominate the conversation kahit hindi naman sya yung topic,” dagdag pa ng isang dating regular viewer ng morning talkshow.

Comment din nilang ginagaya kasi ni momshie Karla ang style ng pang-ookray ni Vice Ganda na BFF niya.

Marami tuloy ang awang-awa kay Melai at nakiki-simpatya sa kanya.

Meron namang nagko-comment na may attemp si Karla na tularan si Kris Aquino na may hawak ng nasabing timeslot nila pero mabilis na kinontra ng isa na no comparison with Kris and Karla.

Hindi ko usually napapanood ang Magandang Buhay dahil ang aga, pero kung ganun na ang mga reklamo kay momshie Karla, aba dapat maghinay-hinay siya sa sinasabi nilang pambu-bully nito kay Melai.

Ang nire-request nga ng iba, sana si Melai na lang ang mag-host ng programa.

Nang tanungin ko kung bakit, pakiramdam ng ibang viewers, nagbago na rin daw kasi si momshie Jolens na minsan ay nagsu-suplada sa audience. Na in all fairness naman kay Jolens ay wala akong napansing pagsusuplada pag nakikita ko.

Nauna na ngang may na-chikang source na nagiging OA na si momshie Karla sa Magandang Buhay at nagso-sobrahan na ng hangin (read : yumabang na diumano) lalo na pag nasa taping kaya hindi sila nakaka-live episode.

Kinakailangan daw kasing i-edit ang mga sinasabi nito dahil talagang nakikipag-compete siya sa mga ‘guest’ nila pag may kuwento ang mga ito.

Anyway, in case na gustong mag-react ni momshie Karla, bukas ang pahinang ito.

 

 

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with