^

PSN Showbiz

Gabbi nangabog, first Pinay na tourism ambassor ng Taiwan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabbi nangabog, first Pinay na tourism ambassor ng Taiwan
Gabbi

Bongga si Gabbi Garcia, Salve ha.

Siya lang naman ang kauna-unahang Filipina ambassador ng Taiwan Tourism.

Kaya pala nagbiyahe siya noong minsan sa Taiwan.

Balita rin sa 24 Oras na nakita niya si Messi, eh iyon ang pangalan na madalas mabanggit sa Korean serye na Weightlifting Fairy kaya naalala ko talaga.

Kaya nga hanga ako kay Gabbi, rubbing elbows siya sa mga top international celebrity at panay ang biyahe na by invitation.

Sosyal na talaga si Gabbi na isa na rin mahusay na artista na pinatunayan niya sa serye nilang Beautiful Justice.

Mukhang tuluy-tuloy ang pag-aalaga sa kanya ng GMA Artists Center kaya magaganda ang mga project na ibinibigay sa kanya.

Maganda na rin ang PR ni Gabbi, hindi tulad  dati na medyo aloof, now very sweet na siya sa mga writer kaya no way but up up and away kay Gabbi. ‘You like Messi?’ bongga si Gabbi, inggit to the max, huhuhu. 

Boyet mabubuhay na ang singing career

Happy talaga ako dahil ang bait ni Rhea Tan ng Beautederm. Imagine ni-renew niya ang contract ni Lorna Tolentino bilang ambassador at kinuha niyang endorser ng Beautederm for Men si Christopher de Leon.

Gusto ko rin mag-thank you kay Dra. Vicki Belo Kho dahil pinayagan nito si Boyet na maging endorser ng Beautederm pero siyempre pagdating sa beautification services, sa Belo Medical Group pa rin siya.

At ito na ang chance ni Boyet na makabalik sa kanyang second love, ang pagkanta, dahil madalas ang meet and greet ng mga Beautederm ambassadors sa halos buong Pilipinas, mukhang bobong­ga ang singing  career ni Boyet. Hahaha.

Talagang halos lahat ng alaga ko, gusto kong mapunta sa Beautederm dahil nga ang bait ni Rhea Tan at asawang si Sam na mahal na mahal nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

Hay naku, pag mabait talaga, pinagpapala, kaya naman lucky ang Beautederm dahil mabait ang mga may-ari kaya tingnan mo, number 1 na sa beauty products nila. Bongga talaga!

Flawless perfect na sponsor…

Natutuwa din ako Salve na malaman na nanonood pala ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) si Rubby Co­yuito ng Flawless. Tawa ako nang tawa na napansin niya na madalas namin banggitin tatlo nila Cristy at Mr. Fu ang Beautederm.

Sabi ko nga, hindi maiiwasan dahil very grateful tayo sa suporta na ibinibigay ng Beautederm, kaya dapat suportado din tayo ng Flawless ni Rubby Coyuito, hahaha.

Dahil buong buwan ng February ang ating anniversary, dapat one Tuesday Flawless ang ating sponsor para thank you galore rin kami nina Mr. Fu at Cristy sa Flawless.

Endorsers ng Flawless sila Lorna Tolentino at Jodi Sta. Maria, kaya sure ako, isa din lucky beauty clinic ang Flawless, di ba Tanya at Nikka?

Kaya sponsor n’yo na kami hah, para love na love namin kayo. Hahaha.

vuukle comment

GABBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with