^

PSN Showbiz

Hollywood stars sa Probinsyano ‘di tuloy, KathNiel hindi pa papalitan si Coco

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Hollywood stars sa Probinsyano �di tuloy, KathNiel hindi pa papalitan si Coco

“Baka April or May pa. No details yet re Hollywood stars,” reply ng isang ABS-CBN source nang tanungin ko kung may pagbabago ba sa pagbababu sa ere ng Ang Probinsyano ni Coco Martin na diumano’y papalitan ng comeback teleserye nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

May ilan nga kasing nagkukuwento na tatapusin na nga ang journey ni Cardo sa nasabing palabas na mahigit apat na taon nang namamayagpag sa ere hanggang sa pagpasok ngayong bagong dekada.

Pero hindi pa raw nagti-taping ang KathNiel kaya malabo pa itong magtapos sa March.

Anyway, ayon pa rin sa latest survey result ng Kantar Media, maganda ang umpisa ng bagong dekada sa Channel 2 matapos itong makasungkit ng average audience share na 38% at  nanguna pa rin sa pataasan ng rating ang  FPJ’s Ang Probinsyano (30.3%), habang pumasok naman daw sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa ang teleserye ng LizQuen na Make it With You (27.5%). Kabilang din sa listahan ng top-rating programs ang TV Patrol (24.5%),  Your Moment (20.7%),  Maalaala Mo Kaya (19.9%), and Rated K: Handa Na Ba Kayo? (19.7%).

Tinutukan din diumano ang ABS-CBN sa lahat ng time block noong Enero.

Ito ay sa kabila pa rin nang bantang hindi pagre-renew sa franchise ng Channel 2 na nakatakdang mag-expire sa March 20, 2020.

As of this writing, may siyam na bills na ang naisumite sa Kongreso na naglalayong ma-renew ang broadcast franchise nila. Pero ayon sa Bayan Muna representatives na sina Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, hindi pa nakapag-set ng hearing hanggang ngayon sa kabila ng nalalapit na Lenten adjournment ng Kongreso sa Marso 14.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with