^

PSN Showbiz

Heart nakipag-bonding sa hayop sa Taal

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart nakipag-bonding sa hayop sa Taal
Heart

In all fairness, kahit matindi na ang takot ng lahat sa pagkalat ng novel coronavirus, sumama si Heart Evangelista sa Taal, Batangas, para bisitahin ang mga hayop na nakaligtas sa pagsabog ng bulkang Taal last January 12. “Still so much is needed to help the animals here in taalmedical , food and other supplies follow  @PAWSPhilippines  to see how else you can help . No amount is too small?,” tweet ni Heart kahapon habang nakasampa sa kanya ang isang aso.

Volunteer ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) ang actress / fashion influencer na isang volunteer-based NGO na lumalaban sa animal cruelty.

Kilalang animal lover si Heart to the point na ang mga alaga niyang aso ay naka-Hermes na rin.

Idea rin ni Heart ang mga dog sketched sa mga damit ng #LMxKamiseta. Ayon sa post ni Heart, “a portion will go to @pawsphilippines. Your purchase will do a lot to help and save the beautiful AsPins in need out there. It’s available now!” sa suot niya nung minsan na Kamiseta shirt na may drawing niyang aso.

Holy water na ginagamit na pang-sign of the cross pagpasok ng simbahan, pinaiiwas muna

Pati ang Holy Water na nasa bungad ng simbahan na ginagamit nating pang-sign of the cross pagpasok at paglabas ng mga simbahan ay hindi raw muna ina-advice na gamitin para makaiwas sa virus.

Kasi nga raw hindi mo rin alam kung kaninong kamay ang sumawsaw doon.

Kahapon nga ay sinabi  ng Department of Health na may pang-third na kaso na namatay sa bansa dahil sa novel coronavirus.

Ayon sa DOH, ang nasabing pasyente ay 60-years old, isang Chinese National at nag-travel from Wuhan through Hong Kong at dumiretso sa Cebu.

Kaya hinahanap ngayon ang nakasakay ng pangatlong namatay sa bansa sa coronavirus.

Let’s pray for each other dahil ang sabi kahit wala diumanong symptoms ay puwedeng kumalat ang nasabing virus.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

PAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with