^

PSN Showbiz

Aktres na nagkakaedad, hindi maka-move on sa galit sa ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktres na nagkakaedad, hindi maka-move on sa galit sa ex
Jaquilou at Ricky

Kailan pa maggo-grow?

Sa isang malaking umpukan pagkatapos ng taping ng isang serye ay pinagpistahan ang sitwasyon ngayon ng isang pamosong female personality. Nadagdagan lang daw ang edad at weight niya pero hindi siya nag-grow.

Pakiramdam ng mga nandu’n ay maling-mali na ang mga ginagawa ng babaeng personalidad na pagpaparinig sa isang taong malapit sa kanyang puso.

Isang personalidad ang nagkomento, “Bakit kasi hindi na lang sila mag-usap? Very important ang communications sa kahit anong problema! Pareho naman silang nasa Pilipinas, why not reach out?”

May isang source sa umpukan na nagkuwento na hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit ng female personality sa isang aktor na nakarelasyon niya.

“Maybe it has something to do with that. Hindi pa rin kasi niya mapatawad ang guy hanggang ngayon. Talagang kapag naaalala niya ang nangyari sa relasyon nila, e, nabubuhay ang sobrang galit niya!

“Siya lang kasi ang nakakaalam ng lalim ng galit niya du’n sa male personality, silang dalawa lang ang nakakaalam kung ano ‘yun, kaya talagang galit na galit pa rin siya hanggang ngayon sa taong ‘yun!” kuwento ng impormante.

Binasag naman ‘yun ng isang source sa umpukan, “Kung dala-dala pa rin niya ang matinding galit sa guy, bakit ang taong walang kamalay-malay sa nangyari sa kanila ang pinahihirapan niya?

“Bakit kailangang ma-channel sa taong ‘yun ang sobrang galit niya? Ano naman ang kinalaman niya du’n? Nakapamimili ba ng magulang ang anak?

“Walang kinalaman ang produkto nila sa galit na meron pa siya hanggang ngayon sa ex niya? Sus naman! Ilang dekada na ang nakararaan, may kani-kanyang buhay na sila ngayon, galit na galit pa rin siya?” madiing komento ng source.

Sadya raw umiiwas nang makasama ng anak niya ang female personality, nasasaktan daw ito sa kakaibang pagtingin niya sa ibang miyembro ng kanilang pamilya, matagal na raw na bitbit ‘yun ng girl sa kanyang puso.

Sabi uli ng source, “Ramdam kasi ng girl ang sobrang attention at love na ibinibigay ng female personality sa iba niyang anak. Konting bagay lang na hindi niya masabi sa mommy niya, big deal na agad!

“Naka-post na siya agad sa social media, nakabandera na agad on national television! She really didn’t grow! Na­dagdagan lang siya ng age at lumaki lang ang katawan niya, pero she didn’t grow!

“Ganu’n kadalasan ang nangyayari sa mga bratty, sa mga anak na spoiled, akala nila, e, palagi silang tama! Enough of dramas!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kahit hiwalay na Jackielou at Ricky magkapitbahay pa rin!

Masarap interbyuhin nang one-on-one ang Asia’s Queen Of Songs na si Ms. Pilita Corrales. Wala sa kanyang bokabularyo ang magpaliguy-ligoy, diretso ang kanyang dila sa pagsagot sa tanong, itim at puti lang ang alam niyang kulay at walang gray.

Nang maging panauhin namin sila ni Ms. Eva Eugenio sa unang sultada ng anniversary month ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n ay maraming na-shock sa kanyang mga rebelasyon.

May mga binuksan siyang paksa na hindi alam ng publiko maging ng mga manunulat. Ngayon lang nagkaroon ng kumpirmasyon ang kuwentong on the rocks na ang relasyon ng kanyang anak na si Jackielou Blanco at ng aktor-direktor na si Ricky Davao.

Si Tita Pilita ang naglinaw na hiwalay na ng tirahan ang mga ito, pero magkalapit lang naman, may dagdag pang kuwento ‘yun na parang gustong makipagbalikan ni Jackie kay Direk Ricky.

Pagdating kay Lotlot de Leon ay kalahati lang ng kanyang bibig ang bukas, maganda na raw ang ganu’n, kahit para man lang sa kanyang mga apo kay Monching.

Wala palang anak sina Lotlot at Monching na sumama sa kanilang ina nang maghiwalay sila, naiwan ang magkakapatid kay Monching, puring-puri ni Tita Pilita ang pagiging responsableng anak ng kanyang bunso.

Hindi rin pala sila nagkausap kahit minsan lang ng kanyang balaeng si Nora Aunor tungkol sa naging problema ng kanilang mga anak.

Makahulugan ang kanyang pagngiti na may pakibit-balikat, kung ang mga anak nga raw ni Nora ay hindi ito nakakausap, siya pa kaya?

Makakasama namin uli si Tita Pilita at si Eva sa Biyernes nang gabi, sila ang special guests sa concert ng The OPM Hitmen sa Music Museum, masarap magkaroon ng part two ang aming kuwentuhan ng Asia’s Queen Of Songs.

Wala pa ring pagbabago ang kanyang boses, totoong-totoo na nada­dagdagan lang ang edad ng singer, pero ang talento niyang minahal ng publiko ay nand’yan pa rin.

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with