^

PSN Showbiz

Loisa hindi pa rin tanggap anghiwalayan ng mga magulang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa hindi pa rin tanggap anghiwalayan ng mga magulang
Loisa

Masakit para kay Loisa Andalio ang naging hiwalayan ng kanyang mga magulang noong isang taon.

Ayon sa aktres ay malaki na ang ipinagbago sa sitwasyon ng kanilang pamilya ngayon. “Kasi kami dati ng family ko, very close kami sa isa’t isa. Sabay kaming kumakain lahat. Karaoke ‘yung bonding ng family, nawala siya. No’ng pumasok ako sa showbiz nagkaroon ako ng trabaho nang sunud-sunod. Akala ko naman okay ‘to kasi nakakatulong ako sa pamilya ko eh, pero no’ng tumagal-tagal, parang nagkalayu-layo na ‘yung loob namin sa isa’t isa. Doon ko nasabi na kahit may trabaho ka, nabubuhay mo ‘yung pamilya mo, pero kung hindi kayo kumpleto sa bahay, mahirap,” emosyonal na kwento ni Loisa.

Mahigit tatlong taon nang kasintahan ng dalaga si Ronnie Alonte at nakaranas na rin ng matitinding pagsubok ang relasyon ng dalawa. May mga pagkakataon na muntikan nang magkahiwalay ang magkasintahan. “Sa totoo lang kaya ako naiiyak kasi naalala ko na naman eh. Naalala ko ‘yung muntik na siyang sumuko. Ang sakit eh, ang hirap. Ayoko na ng salitang hiwalay.

“Parang nangyari na siya sa akin sa magulang ko. Ayoko na siyang mangyari sa akin. Parang nato-trauma na ako sa salitang hiwalay. Kaya kapag naririnig ko siya, parang hindi ko kaya,” pagbabahagi ng aktres.

Donny binura na si Kisses sa kanyang IG!

Sa February 12 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang James And Pat And Dave na pinagbibidahan nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Donny Pangilinan. Sequel ito ng Vince And Kath And James na pinagbidahan naman nina Ronnie, Julia Barretto at Joshua Garcia noong 2016.

Naging malapit si Donny sa magkasintahan habang ginagawa ang naturang proyekto. “Lock out kami po sa beach so sa lahat ng araw nandoon kami. Bawal kami umuwi so nag-bonding kami. I really saw how professional both of them are. Sobrang sweet din nilang dalawa. sinu-support nila ang isa’t isa sa mga scenes,” paglalahad ni Donny.

Hindi na raw kinailangan pang magpaalam ni Donny kay Ronnie bago gawin ang sweet scenes nila ni Loisa. “Katropa ko ito. Alam naman niya eh,” giit ng binata.

Samantala, mapapansing binura na ni Donny sa Instagram ang lahat ng larawan na kasama ang dating katambal na si Kisses Delavin.

Napaisip tuloy ang netizens sa social media kung bakit ito ginawa ng aktor. “I just wanted to clean it up. That’s it, no other reason naman. Gusto ko lang talaga linisin ang feed ko,” paglilinaw ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

KISSES DELAVIN

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with