^

PSN Showbiz

Janine natalakan ni Lola Pilita

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine natalakan ni Lola Pilita

Claudine may dyowang tomboy?

Napagalitan pala si Janine Gutierrez ng lola Pilita Corrales niya nang magkita sila the other day tungkol sa pagko-comment nito sa bagong programa ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7.

Ito nga ang bungad kahapon ng  Asia’s Queen of Songs nang maging guest  sa month-long anniversary celebration ng no. 1 digital show na Take It, Per Minute! (Me Ganun) na napapanood by Pilipino Star NGAYON Facebook page hosted by the queen of intrigues Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu.

“Bago ako mag-umpisa Lolit, pinagalitan ko si Janine kahapon. I said ‘you’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’ Wala naman na siyang (sinabi). Ang sabi niya ‘yes Mita (short for Mamita), yes Mita. Sometimes kasi she’s ano… Ang sabi ko, you don’t do that, you can’t say that. Who do you think you are?” kuwento pa ng nag-iisang si Ms. Pilita.

Tawang-tawa naman si Manay Lolit at ‘bongga’ lang ang naging reaction.

Dagdag pa ng lola ni Janine : “Sinabi ko talaga sa kanya na sometimes, you just open your mouth and you don’t know. Maybe you meant oh my God, so exciting. You didn’t do that Janine.”

Napa-react si Nay Lolit sa ‘Oh My God’ reaction ni Janine at nagpahayag ng reaction sa kanyang Instagram account ang talent manager ni Sen. Bong.

Isa pang chikang scoop ni Ms. Pilita ay ang hiwalang Ricky Davao and Jackie Lou Blanco.

Common knowledge na sa showbiz ang hiwalayan ng dalawa pero ang alam ng lahat magkasama pa sila sa bahay. ‘Yun pala hiwalay na sila pero neighbors pa rin sila.

At ngayon nga raw, gusto raw makipag-reconcile ni Jackie kay Ricky na sinasabing may girlfried na. Ang apo raw niya ang nagsabi nito sa kanya.

Isa pang chika ni tita Pilita sa episode ng TIPMMG kahapon na kasalukuyang nagpo-promote ng kanilang concert na Sing, Love, Laugh with OPM Hitmen and Ms. Eva Eugenio, ay botong-boto pala siya kay Rayver Cruz dahil church going boy ito at marespeto.

Pero iwas siyang pag-usapan si Lotlot de Leon na ex daughter in law niya.

Anyway, wala pa rin talagang kupas si tita Pilita.

Nang nag-sample sila ni Ms. Eva Eugenio, wow, talagang silang-sila pa rin at wala sa kanilang hitsura na puwedeng makalimot ng lyrics.

BFF sina Ms. Pilita and Ms. Eva at mapapanood nga sila sa Sing, LOVE, Laugh with The OPM Hitmen and The Xindicatto Band sa Friday, February 7, 8 pm at Music Museum. Si Nanay Cristy ang producer ng show.

Actually, nag-backout lang daw ang naunang producer nito at sinalo lang ni Nay Cristy.

Isa pa nga palang pinag-usapan kahapon sa first episode ng month long celebration ng Take It... ay ang tungkol sa reklamo ni Claudine Barretto sa nabili niya diumanong ‘lemon car.’

Dalawang car daw ang sabay binili niya at ng kanyang auntie, pero ang napunta sa kanya ay ‘lemon,’ meaning may factory defect.

Matagal na niyang inire-reklamo sa manufacturer ng kotse ang nasabing problema.

Pero iniintriga siya na ang bongga naman pala ni Claudine  kahit walang trabaho nakakabili siya ng bagong sasakyan na diumano’y worth P2.5 million.

At ang latest intriga sa kanya, diumano ayon sa source ng Take It... Per Minute (Me Ganun), lesbian ang bagong lover ng actress. Diumano lang naman so puwede naman itong i-deny ni Claudine kung hindi totoo.

Or kung true naman, wala namang masama basta in love sila.

Special thanks kay Nay Cristy na nagpa-cater pa kahapon.

Salamat din sa lahat ng mga laging nakatutok at nakikisali sa mga pinag-uusapan.

Abangan ang tatlo pang anniversary episodes sa mga susunod na Tuesday for the whole month of February.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with