^

PSN Showbiz

Malalaking artista hindi suportado ang Eddie Garcia Law?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Bumuhos ang sentimiyento ng ilang mga artista sa ginanap na hearing ng Kamara kaugnay ng mga panukalang batas na inihain para sa kapakanan at proteksiyon ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Nagkaroon ng ganyang pagkilos dahil sa sinasabing kapabayaan na siyang ikinamatay ng actor na si Eddie Garcia.

Lumabas ang lahat ng problema, pati na ang problema ng mga extra na maliit na nga ang bayad, medyo api pa at sinasabing habang naghihintay sa set, karaniwang nakaupo lamang sa mga karton at may dala-dalang kanya-kanyang payong para hindi mabilad sa araw.

Mariin din ang reklamo ni Bembol Roco tungkol sa kawalan ng limitasyon ng oras sa kanilang trabaho. “Hindi ka makapagrereklamo, dahil oras na gawin mo iyon puwede ka nilang palitan anumang oras,” sabi pa niya.

Matagal na ‘yang ipinaglalaban ng mga artista. Ang eight working hours, nagkaroon na ng kasunduan diyan noong panahong si Rudy Fernandez pa ang presidente ng KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon). Kaso hindi rin nasunod dahil may mga artistang pumapayag kahit na lampas na sa oras.

Kapansin-pansin din, wala ang mga sikat na artista sa nasabing hearing. Sila kasi ang malaki ang kinikita at ayaw nilang kalabanin ang kanilang mga producer o ang mga network. Kasi nga baka hindi na sila kunin. Mawawalan sila ng career.

Sa parte naman ng GMA-7, naroroon ang executive na si Regie Magno, at sinabing ang kanilang production staff ay pinagsanay nila sa “first aid” kagaya ng sinasabi ng batas.

Ang naging hatol sa kanila ng DOLE sa nangyaring aksidente kay Eddie Garcia ay iniaapela pa nila sa korte.

Vice pinagsasawaan na?!

Hindi naman pala sisibakin si Vice Ganda. Magpapalit lamang ng show, iibahin ang format, pero siya pa rin ang host. Kung kami ang tatanungin tamang move iyon. Kailangan na nilang mai-repackage si Vice dahil hindi lamang lumalabas na tinatalo na nina Boobay at Tekla ang kanyang show, noong nakaraang festival bumagsak din ang kita ng kanyang pelikula at hindi na siya ang top grosser.

Ang ibig sabihin niyan, maaaring si Vice Ganda at ang style niya sa pagpapatawa ay umabot na sa “saturation point”. Kailangan magkaroon na ng pagbabago sa kanyang style, at sa kanyang career. Kailangan na ring mag-reformat ang kanyang show, at mag-iba ng material ang kanyang mga pelikula.

Nangyayari naman iyan sa kahit na sinong artista.

Paghuhubad ni Alden, too late na!

Panay ang labas ngayon ng mga “shirtless” pictures ni Alden Richards na nagpapakita ng magandang built ng kanyang katawan, pero mukhang huli na siya sa ganoong marketing strategy dahil ilang taon na nga bang ginagawa iyan ni Jak Roberto?

Hindi isang major star si Jak Roberto, pero nakakabit na sa kanyang pangalan ang tatak na ‘pambansang abs’. Eh ano pa ang hahabulin ni Alden? Matatawag ba siyang ‘big star abs’? Mayroon ba namang ganoon?

Hindi naman siguro siya makikipaglaban ng hubaran kina Marco Gumabao.

Kaya lalabas na alanganin din ang kanyang pagpapa-macho.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with