^

PSN Showbiz

Young actress may amnesia ang peg sa mga nagiging assistant!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Young actress may amnesia ang peg sa mga nagiging assistant!

Sa dalas magpalit...

Tatlong pamosong personalidad ang tinutukan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz isang gabi. Pare-pareho silang babae.

May kani-kanyang kuwento ang magkakaumpukan tungkol sa tatlong babaeng personalidad na kilalang-kilala. At napakaaga ng kanilang clue--magkakapareho ang unang letra ng mga pangalan nila.

Kuwento ng isang miron, “Si Actress A, e, maligalig ang personal life ngayon. May ganap sa family niya. Very controversial siya ngayon dahil ang kabanggaan niya, e, isang taong hindi iba sa kanya.

“Hindi siya lumalaban nang sabayan sa kumakalaban sa kanya, instead, sa social media niya ‘yun pinadadaan. Wala siyang direktang tinutukoy kung sino, pero nagpaparinig siya.

“Ang palagi niyang sinasabi, pinalilibutan siya ng mga positive people ngayon, saka ayaw niya sa mga taong nang-iiwan sa gitna ng laban,” unang personalidad na ikinuwento ng miron.

Nakakaloka naman ang kuwento ng isang source sa umpukan, tungkol ‘yun sa isang young female personality na madalas magpalit ng PA, kung ano ang dahilan ay sila-sila lang ang nakakaalam.

Sabi ng impormante, “Itong si Young Actress B, e, palaging bago nang bago ng PA. Madalas siyang magpalit ng alalay. Ang nakakaloka, hindi man lang niya mine-memorize ang pangalan ng mga nagiging PA niya!

“Tinatamad na siguro siya dahil paiba-iba ang kasama niya, kaya ang itinatawag na lang niya sa kahit sinong PA niya, e, Ganda!

“Mismo! Kahit sinong naging PA niya, e, Ganda ang tawag niya! ‘Ganda, pakiabot naman ang kuwan ko!’ ‘Ganda, pakikuha sa car ang ano ko!’ Magalang naman siya, in fairness, pero kung bakit hindi tumatagal ang mga PA niya, e, isang malaking question!” tawa nang tawang kuwento ng source.

At ang huli ay isang actress-TV host na palaging nagpapalutang ng kaangasan kahit saan. Nang makatikim siya ng atensiyon ay naging OA siya, yumabang na, palibhasa’y ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon.

Kuwento ng source, “Naku, kailangang malaman ng babaeng ‘yun na walang forever! Sinu­werte na siya, alagaan na niya ang pagkakataong ibi­nigay sa kanya, tantanan na niya ang kaangasan!

“Baka maidlip lang siya, e, wala na pala ang show niya, kaya tigilan na niya ang pagyayabang, para magpatuloy ang maganda niyang buhay!” bigay na bigay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Take It… isang taon na!

Akalain n’yo ‘yun? Isang taon na pala ang Take It, Per Minute... Me Ganu’n! Masarap ipagmalaki na ang digital talk show na ito ang nangunguna ngayon dahil sa matinding suporta ng ating mga kababayan dito at sa iba-ibang bansa man.

Kami muna ni Manay Lolit Solis ang tumimon sa programa, unang pagsasama namin ito ng ­aming kaibigan-kasama sa panulat, pagkatapos nang pitong buwan ay nakasama na namin si Mr. Fu.

Hindi kami nagso-show, nagkukuwentuhan lang kami na para bang nasa kusina lang kami dahil sa sobrang kakaswalan ng aming atake, pero ‘yun ang pinakamalaking katangiang nagustuhan ng ating mga kababayan.

Isang masayang picnic ang bawat Martes nang tanghali namin sa TIPMMG, nagsasalu-salo kami sa pananghalian bago ang show, iba-ibang kuwento ang maririnig lalo na ang mga rebelasyon na sa aming programa lang malayang pinag-uusapan.

Ang aming executive producer na si Salve Asis ang palaging pinagtitripan ni Manay Lolit, walang magawa ang aming patnugot, kundi ang magsabing “May show pa tayo! Hindi pa tayo tapos!”

Maraming-maraming salamat kay Sir Miguel Belmonte sa pagkakataon at malaking tiwalang ibinibigay sa amin. Si Sir Mirguel na napakahusay mag-alaga ng kanyang mga nasasakupan.

Maraming salamat din sa aming Techical Support ng Pilipino Star NGAYON na maaga pa lang ay nasa set na para ayusin ang lahat-lahat, nakikihalakhak din sila sa aming mga kalokahan, lalo na kapag ibinubuking na ni Manay Lolit ang aming mga blind items.

At maraming salamat sa lahat ng mga kababayan nating nagtatrabaho-naninirahan na sa ibang bansa, napakasarap namnamin ang kanilang mga komento na ang TIPMMG ang kanilang pildoras sa kalungkutan, ang stress-reliever nila at nagpaparam­dam na parang nasa Pilipinas lang sila.

Salamat din kay Japs Gersin na nag-aayos ng aming set sa pamamagitan ng magagandang-paintings, kina Tina Roa, PJ Villarta at Ritchie Villarta na namamahala sa lahat ng mga kailangan sa venue.

Sa inyo pong lahat na nagdudugtong sa buhay ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n, maraming salamat po at mabuhay kayo!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with